Sinovac, kahanay na ng Pfizer, AstraZeneca at iba pang Covid-19 vaccines
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
LABIS na ikinatuwa ni National Task Force o NTF against Covid-19 consultant Dr. Ted Herbosa ang ulat na kasama na rin ang Sinovac sa Emergency Use Listing ng World Health Organization (WHO).
Sa Laging Handa briefing public briefing ay sinabi ni Herbosa na, malaking bagay na kabilang ang SInovac sa EUL ng WHO na syang pinakamarami ngayon sa bansa.
Aniya, nangangahulugan ito na kahanay na ng Pfizer, AstraZeneca, Moderna, J&J at ng Sinopharm ang Sinovac Covid-19 vaccine.
Sinabi pa ni Herbosa, dalawang malalaking bagay ang magiging advantage nito sa Pilipinas.
Una na ang mga vaccine hesitant aniya na namimili ng bakuna base sa bansang pinagmulan nito ay sigurado na unti-unti nang mawawala.
Aniya pa, marami nang reports ngayon sa iba’t ibang bansa na nagsasabing “very effective” ang Sinovac matapos na bumaba ang kanilang death toll at new virus cases.
Habang pangalawa naman ay malaki ang tulong ng pagkakasama ng Sinovac sa Eul ng WHO dahil tataas ang tiwala ng multilateral partners ng bansa na kaagapay ng Pilipinas sa pag-aangkat ng mga Covid-19 vaccines. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Nagpapasalamat sa reunion project nila: DERRICK, ‘di na mag-a-adjust dahil si ELLE uli ang ka-partner
NAGPAPASALAMAT ang real-life couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio dahil sa kanilang reunion project na revenge-drama series na ‘Makiling.’ Nabuo ang loveteam nila sa 2022 GMA teleserye na ‘Return To Paradise’ na naging top-rater sa hapon. “Masaya kasi siyempre siya ulit ang ka-partner ko, hindi na ako mag-a-adjust ulit […]
-
Balik-primetime series na sa ‘Maria Clara at Ibarra’: BARBIE, masaya na muling makakasama ang favorite actor na si DENNIS
IWI-WELCOME ni Ruru Madrid tonight, August 15, ang cast na bubuo sa ‘Lolong: Ang Bagong Yugto,’ na sina Vin Abrnica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell at Lucho Ayala. Makakasama nila ang mga original cast na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle […]
-
Tune-up games ng Gilas at China nagtapos sa draw
Nagtapos sa 79-79 draw ang tune-games ng Gilas Pilipinas at China na ginanap sa Angeles City University Foundation Gym sa Pampanga. Pinangunahan ni Kai Sotto ang national basketball team na nagtala ng 13 points. Mayroong tig-12 points ang nagawa nina Ange Kouame at Jordan Heading at 9 points naman si RJ […]