• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinovac, kahanay na ng Pfizer, AstraZeneca at iba pang Covid-19 vaccines

LABIS na ikinatuwa ni National Task Force o NTF against Covid-19 consultant Dr. Ted Herbosa ang ulat na kasama na rin ang Sinovac sa Emergency Use Listing ng World Health Organization (WHO).

 

Sa Laging Handa briefing public briefing ay sinabi ni Herbosa na, malaking bagay na kabilang ang SInovac sa EUL ng WHO na syang pinakamarami ngayon sa bansa.

 

Aniya, nangangahulugan ito na kahanay na ng Pfizer, AstraZeneca, Moderna, J&J at ng Sinopharm ang Sinovac Covid-19 vaccine.

 

Sinabi pa ni Herbosa, dalawang malalaking bagay ang magiging advantage nito sa Pilipinas.

 

Una na ang mga vaccine hesitant aniya na namimili ng bakuna base sa bansang pinagmulan nito ay sigurado na unti-unti nang mawawala.

 

Aniya pa, marami nang reports ngayon sa iba’t ibang bansa na nagsasabing “very effective” ang Sinovac matapos na bumaba ang kanilang death toll at new virus cases.

 

Habang pangalawa naman ay malaki ang tulong ng pagkakasama ng Sinovac sa Eul ng WHO dahil tataas ang tiwala ng multilateral partners ng bansa na kaagapay ng Pilipinas sa pag-aangkat ng mga Covid-19 vaccines. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • CLOE, pinuri ni Direk JOEL dahil parang hindi baguhan sa pag-arte

    BIDANG-BIDA na si Cloe Barreto sa launching film niya na Silab mula sa 3:16 Productions.     Kung may isang bagay na hindi malilimutan si Cloe sa shoot ng Silab, ito ay ang bonding nila ni Direk Joel Lamangan.     “Sobrang saya sa set naming. Habang nagtratrabaho kami, nagbo-bonding din kami,” wika ni Cloe […]

  • Pinoy duo billiard players pasok na sa quarterfinals ng World Cup of Pool

    Pasok na sa quarterfinals ng World Cup of Pool ang pambato ng bansa na sina Jeff De Luna at Roberto Gomez.     Ito ay matapos na ma-upset nila ang nakalaban nila mula sa US sa second round ng torneo.     Hawak ng US pair na sina Skyler Woodwar at Billy Thorpe ang 0-5 […]

  • Djokovic umatras na sa pagsabak sa Indian Wells at Miami Open

    UMATRAS na sa paglalaro sa Indian Wells at Miami Open si Serbian tennis star Novak Djokovic.     Ito ay dahil sa paghihigpit na US sa panuntunan laban sa COVID-19.     Nakasaad kasi sa panuntunan ng nasabing torneo na dapat ipakita ng mga manlalaro ang kanilang katibayan na sila ay naturukan na ng COVID-19 […]