Sinumpaang tungkulin, hindi pinipersonal
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI umano personal kundi tinutupad lamang ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng mga miyembro ng Kamara ang kanilang tungkulin ng muling suspendihin si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na nagtatago at humingi ng political asylum sa ibang bansa.
“Hindi natin papayagan na sirain ninuman ang integridad ng kongreso. Walang personalan dito. Ginagawa lamang natin ang sinumpaan nating tungkulin at pangako sa sambayanan,” pahayag ni Speaker Romualdez sa kanyang talumpati bago ang sine die adjournment ng kongreso.
Ipinaalala nito na bilang kinatawan ay may pananagutan sila sa mga Pilipino na gampananan ang kanilang mandato na maglingkod na may integridad at buong katapatan.
Kabilang aniya rito ang pagsunod sa Code of Conduct, Rules of the House at Rules of the Committee.
Ang pagtalima sa mga panuntunan na ito ay sumasalamin sa kredibilidad ng institusyon.
“I would like to reiterate that as members of this House, we must be accountable to the people at all times and perform our legislative mandates with utmost competence, efficiency, effectiveness, integrity and fidelity to the people’s welfare – nothing less. Let this be a reminder to all of us,” pahayag pa nito.
Marso ng unang dinggin ng House Committee on Ethics and Privileges ang pagkabigo ni Teves na umuwi sa Pilipinas kahit expired na ang travel authority na ibinigay sa kanya ng Kamara.
Si Teves ay iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo na kilalang kalaban nito sa pulitika at tumalo sa kanyang kapatid na si Henry Pryde nitong nakalipas na 2022 elections.
Inirekomenda ng Ethics committee na patawan si Teves ng 60-araw na suspensyon at pinagtibay ito ng mga miyembro ng Kamara.
Nagtapos ang suspensyon noong Mayo 22 subalit nanatili pa rin si Teves sa ibang bansa at naghain pa ng aplikasyon para sa political asylum sa Timor-Leste.
Dahil dito, muling nagsagawa ng pagdinig ang Ethics committee na nagrekomenda na muling patawan si Teves ng 60-araw na suspensyon at alisan ng membership sa lahat ng komite.
Walang tumutol sa muling pagpapataw ng parusa kay Teves na sinang-ayunan ng 285 kongresista. (Ara Romero)
-
Pag-IBIG Fund net income, pumalo sa ₱38.06B record-high nitong Oktubre 2022
NAKAPAGTALA ang Pag-IBIG Fund ng record-high net income na ₱38.06 bilyong piso mula Enero hanggang Oktubre 2022. Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ito ng bagong record net income kung saan nalampasan ang ₱34.73 bilyon na nakuha noong taong 2021. Ang record-high ay 39% increase kumpara sa kahalintulad […]
-
P125 million confidential funds ni VP Sara Duterte, tinuligsa ng mambabatas
TINULIGSA ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang idinepensang P125 million confidential funds na nakalaan sa opisina ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa mambabatas, ang kontrobersiyal na kaso ay hindi lamang “theoretical” kundi naging sanhi para hindi mailaan ang naturang milyong pisong pondo sa mga Pilipino […]
-
Panibagong COVID-19 surge babala ng OCTA
BINALAAN ng independent OCTA Research Group ang mga Pilipino na posible pa ring magkaroon muli ng panibagong COVID surge kung hindi na susunod ang lahat sa ipinatutupad na ‘minimum public health protocols’ ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido […]