• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sirkulasyon ng pekeng pera at iba’t ibang modus ngayong Christmas season, ibinabala ng Philippine National Police sa publiko

TODO ngayon ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa sirkulasyon ng pekeng pera maging ang iba’t ibang modus ngayong holiday season.

 

 

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, tuwing sasapit naman ang Pasko at Bagong Taon ay nagkalat na ang iba’t ibang modus ng mga masasama ang loob.

 

 

Kabilang daw sa mga dapat bantayan ngayong holiday season ng publiko ang crimes against property gaya ng pagnanakaw at panloloko o panlilinlang na tumataas ang kaso kapag ganitong mga panahon.

 

 

Pinayuhan din ni Fajardo ang ating mga kababayan na mag-ingat sa mga transaksiyon kapag namimili sa mga palengke, sa mga mall, lalong-lalo na’t sa ganitong panahon ay marami ang mga balikabayan na uuwi sa Pilipinas at may bitbit na mga remittance.

 

 

Dahil dito, dapat ay magpapalit lamang daw ang ating mga kababayan sa kanilang pinaghirapang pera sa mga authorized money changer.

 

 

At dahil papalapit na ang Christmas Day, hinikayat din nito ang publiko na bumili na ng mga regalo at suplay nang mas maaga para maiwasan ang holiday shopping rush.

 

 

Pinayuhan din ng opisyal ang mga magsa-shopping na bumuli lamang sa mga legitimate sellers at kahit na sa mga online shops.

 

 

Una rito, pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isagawa ang “Feel-Look-Tilt” method para ma-check ang security features ng New Generation Currency (NGC) banknotes.

Other News
  • PANGANGAMPANYA, PARA LIMITAHAN ANG PANGANIB SA COVID

    GUMAWA ng mga paghihigpit ang Comelec sa personal na pangangampanya upang limitahan ang panganib ng mga impeksyon sa COVID-19 sa panahon ng 2022 campaign period.     “Sa tamang panahon at sa tamang sirkumstansya, nakakakita tayo ng mga sitwasyon kung saan tama at kinakailangan na medyo pigilan ang mga iba’t ibang activities,” ayon kay Commission […]

  • Nakipag-meeting na sa gagawin sa ABS-CBN: JAMES, tuloy ang pagbabalik at wala nang makapipigil

    MULA sa isang kaibigang ABS-CBN insider ay napag-alaman naming on going daw ang negosasyon para sa bagong gagawing proyekto ni James Reid.     Ayon pa sa kausap namin nakipag-meeting na raw si James sa ilang TV executives.     Dagdag pa niya na may nabuo na raw na bagong proyekto ang ABS-CBN executives at […]

  • Bulacan, kaisa ng bansa sa obserbasyon ng Earth Day 2022

    BILANG pagpapakita ng suporta para mapangalagaan ang ating planeta, magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ng clean-up drive sa Brgy. Sto. Rosario, Paombong at tree planting at growing activity sa Paombong Eco Park, San Isidro II, Paombong, Bulacan bukas, alas-7:00 ng umaga.     Sasamahan […]