• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sistema ng katarungan sa bansa, gumagana

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagana ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.

 

 

Binigyang halimbawa nito ang ginawang pagbasura ng Muntinlupa Regional Trial Court sa ikatlo at huling drug case ni dating Senadora Leila de Lima matapos ang pitong taon mula nang sampahan ang mambabatas ng kaso.

 

 

”Well maybe this is something we should show the ICC (International Criminal Court). The judiciary is working properly. Our investigative services are working properly and former Senator de Lima has been acquitted. I don’t know what further comments there could be. Dumaan siya sa paghusga, na-acquit siya,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang ambush interview.

 

 

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na hindi babaguhin ng gobyerno ng Pilipinas at mananatili ang posisyon nito kontra sa imbestigasyon ngkaugnay sa umano’y paglabag sa karapatang pantao ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.

 

 

Sinabi ng Pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

 

 

”We still stay with our position that the ICC has no jurisdiction in the Philippines because we have a working police force, we have a working judiciary and do not require any assistance in that regard,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, binasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang ikatlo at huling drug case ng senadora.

 

 

Sa desisyon ni Muntinlupa City RTC Branch 206 Presiding Judge Gener Gito nitong Lunes, Hunyo 24, 2024, pinagbigyan ang “demurrer to evidence” ni De Lima.

 

 

Noong Marso inihain ni De Lima ang demurrer kung saan hiniling niya sa korte na ipawalang-sala siya at ideklarang “not guilty” dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang kanyang pagkakasala “beyond reasonable doubt”.

 

 

Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure, ang demurrer to evidence ay isang mosyon para i-dismiss ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya. Kapag napagbigyan, ito ay katumbas ng pagpapawalang-sala.

 

 

Ang nasabing ­korte rin sa huling kasong ­conspiracy to commit drug trading na nag-abswelto kay De Lima ang nagpahintulot din na makapaglagak siya ng piyansa.

 

 

Nobyembre 2023 nang makalaya si De Lima matapos magpiyansa.

 

 

Sa kanyang huling kaso, ang dating mambabatas ay inakusahan ng pagiging kasabwat sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison, sa kanyang kapasidad bilang dating justice secretary na may supervisory powers sa national penitentiary.

 

 

Nasuhulan din umano siya ng P70 milyon ng Bilibid convicts, na inakusahan din niyang ginamit para tumakbo at manalo bilang senador noong 2016. (Daris Jose)

Other News
  • Nilinaw na ng kanilang management: JENNYLYN, ‘di lilipat sa ABS-CBN at na-hack ang account ni DENNIS

    NAGDULOT nga ng kontrobersiya ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa mga Kapamilya fans.       Tungkol ito sa naging sagot niya sa katanungan ng netizens tungkol sa pagkawala ng kanyang asawa na si Jennylyn Mercado sa newest GMA Network Station ID at malakas daw ang tsika na lilipat sa ABS-CBN.     […]

  • RAIN WATER COLLECTION SYSTEM ILALAPAT NA SA BUONG QC

    INATASAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si City Engineer Atty. Dave Perral na mag-install at magpagana ng mga rain water collection system sa lahat ng gusaling pag-aari ng lungsod at maging sa mga pampublikong paaralan sa syudad.     Ito ay bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Quezon City LGU para tugunan ang mga […]

  • Pinoy boxer Charly Suarez may napili ng bagong makakalaban

    MAY napili na si Pinoy boxer Charly Suarez na susunod na makakahaap para makamit ang world boxing title.     Matapos kasi ang technical knockout na panalo niya kay Jorge Castaneda ng US noong Setyembre 20 ay may ilang nakalatag na boksingero kung sino ang makakaharap nito.     Ilan dito ay sina WBO junior […]