• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Six years na ang pagiging Kapuso: GABBY, walang pinipiling project sa GMA at nagpapasalamat sa trust

ISA pa rin loyal Kapuso ang isa sa most well-loved actor na si Gabby Concepcion, as he renews his ties with the country’s leading broadcast company, ang GMA Network matapos niya muling mag-sign ng contract last Thursday, September 8.  

 

 

Kasama ni Gabby nang mag-renew ng contract, ang manager niyang si Popoy Caritativo.

 

“I feel very special.  Ako ang dapat magpasalamat, ang sarap talagang maging part ng GMA.  Thank you sa inyong lahat for the trust,” sabi ni Gabby.

 

 

“Wala akong pinipiling project dahil magandang gumawa ng istorya ang GMA.”

 

Six years nang Kapuso si Gabby at hindi malilimutan ang romantic-drama series na ginawa niya as President Glenn Acosta sa “First Lady” at later naging “First Lady,” nang mapangasawa niya si Yaya Melody, played by Sanya Lopez  kaya ngayon excited na ang mga Kapuso viewers kung ano ang susunod na project na gagawin ni Gabby.

 

***

 

 

NATATANDAAN pa ba ninyo si former ‘90s beauty queen-actress na si Michelle Aldana?

 

 

Nagbabalik-showbiz ngayon si Michelle at kabilang siya sa cast ng upcoming GMA Afternoon Prime Drama series na “Nakarehas na Puso.”

 

 

Hindi pala first time na nag-offer ang GMA kay Michelle na balikan ang showbiz.  Nauna siyang kinuha para gumanap sa “Love You Stranger,” drama series nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, pero hindi siya natuloy.

 

 

Almost a decade na palang nasa South Africa si Michelle.

 

 

“Ang buhay ko roon, mostly, I ran an agency for actors and models.  So I do workshops, and I’m the director of operations. We do a lot of international films and international TV commercials.  So, HBO projects, Cinemax projects.  Currently, ‘yung mga talents namin are shooting “American Monster” and “Warrior.”

 

 

Bakit kaya napapayag si Michelle na muling tumanggap ng project dito sa bansa?

 

 

“Yung character na ibinigay nila sa akin is such a big role na isang kontrabida, na-challenged ako dahil I’ve never done kontrabida roles before.  So, I said to  myself, this is a big opportunity and a learning phase for me.  Anything, any kind of project where I learn things is quite good to me.”

 

 

Tuluy-tuloy na ba ang pagbabalik niya sa showbiz?  “Let’s see what happens after this, and then we’ll see from there.”

 

 

Makakasama ni Michelle sa “Nakarehas na Puso,” sina Jean Garcia, Leandro Baldemor, Vanessa del Moral, EA Guzman, Claire Castro, Ashley Sarmiento at Bryce Eusebio.

 

 

Ang “Nakarehas na Puso” ay mapapanood na simula sa September 26, after “Return to Paradise,” papalitan nila ang “The Fake Life” nina Ariel Rivera at Beauty Gonzalez, sa GMA-7.

 

 

***

 

NANG magsimula ang pilot week ng bagong GMA Telebabad drama series na “What We Could Be,” na first team-up nina “Kapuso Ultimate Hearthrob” Miguel Tanfelix at Sparkler GMA Artist Ysabel Ortega.

 

 

Pinuri agad ng mga netizens ang acting ni Miguel, na ibang-iba sa mga nauna na niyang roles na nagampanan.

 

“Ilang taon na po naming pinapanood si Miguel, pero first time po niyang gumanap ngayon ng isang maangas na character, pero kapag kaharap niya si Cynthia (Ysabel), para siyang maamong tupa, malayo sa character niyang si Franco Luciano,” comment ng isang netizen.

 

 

“Pero sigurado po kaming magagampanan nang buong husay ni Miguel ang character niya ngayon.  Salamat po at muli naming napapanood si Miguel sa primetime block ng GMA.”

 

 

May mababago ba sa character ni Franco ngayong na-meet na niya si Cynthia?

 

 

Kasama nina Miguel at Ysabel si Yasser Marta as Lucas, magpinsan sila ni Franco.  Dito na ba magbabago ng ugali si Franco o itutuloy pa rin niya ang evil plan na ipinangako niya sa kanyang ina, si Helen (Joyce Anne Burton).

 

 

Napapanood gabi-gabi ang “What We Could Be” na collaboration ng Quantum Films at GMA Network, 8:50PM, sa GMA-7, after “Lolong.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • ALINSUNOD sa ika-17th cityhood anniversary ng Navotas, pinasinayaan at pinabasbasan ng pamahalaang lungsod sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco, at Cong. Toby Tiangco na sinaksihan ng iba pang mga opisyal ang bagong bukas na MARTINIKO pumping station. Ito ay malaki ang maitulong sa pagpigil sa mataas na pagbaha tuwing high tide o kung mayroong malakas na bagyo. (Richard […]

  • Nangako ang mga ‘anak’ na susuportahan: AI AI, ipo-produce ang next installment ng ‘Ang Tanging Ina’

    ISANG ABS-CBN insider ang nakapagsabi sa amin na nakatakdang i-produce ni Ai Ai delas Alas ang pagbabalik ng pelikulang “Ang Tanging Ina”.       Kumbaga ang comedy concert queen daw mamuhunan para sa bagong installment ng pelikula na pumatok nang husto sa mga sinehan noon.       Kasalukuyang makikipag-usap daw si Ai Ai […]

  • Naluha si Jessy at si Luis ang tamang nakahula ng gender: VILMA, tuwang-tuwa dahil girl ang first apo na tinatawag na nilang ‘Baby Peanut’

    NALUHA si Jessy Mendiola at naka-ilang “OMG” sa naging gender reveal nila ng mister na si Luis Manzano.     Baby boy ang hula ni Jessy na magiging first baby nila habang baby girl naman si Luis. Obviously, si Luis ang nagwagi sa kanilang dalawa dahil baby girl nga ang ipinagbubuntis ni Jessy.     […]