• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sixers, napigilan ang comeback effort ng kapwa kulelat na team, 110 – 104

Hindi umubra ang comeback effort ng Charlotte Hornets para itumba ang Philadelphia 76ers sa naging laban ng dalawa ngayong araw, 110 – 104.

 

 

 

Hawak kasi ng Sixers ang kalamangan mula 1st hanggang sa ikatlong quarter ng laro kung saan sa pagtatapos ang Q3 ay mayroon itong 11 points na lamang.

 

 

Umarangkada naman ang magandang opensa ng Hornets sa pagpasok ng 4th quarter at nagawang maitabla ang score ilang minuto bago matapos ang laban.

 

 

Isang minuto at labingsiyam(19) na segundo bago matapos ang laro, naungusan ng Charlotte ang Sixers, 100 – 99, sa pammaagitan ng free throw na iginawad kay Josh Green.

 

 

Gayunpaman, tinawagan din ng foul ang Charlotte at naigawad ang dalawang free throw kay Tyrese Maxey. Naipasok ni Maxey ang dalawang attempt at sinundan ng isang layup, matapos mabigo ang Hornets na gumawa ng shot.

 

 

Sa loob ng ilang segundo, nagawa ng Sixers na panatilihin ang lead, hanggang sa tuluyan itong tuludukan ni Maxey sa huling dalawang segundo ng laro gamit ang isang 2-pt shot.

 

 

Sa kabila ng panalo, nananatili sa lima ang panalo ng Sixers habang 14 na ang pagkatalong nalasap.

 

 

Para sa Hornets, ito na ang ika-labinlimang pagkatalo nito habang anim pa lamang ang naipapanalong laba.

 

Other News
  • Mayweather inaayos na ang exhibition fight sa Japan

    Kinumpirma ni US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr na kasalukuyang inaayos ang kontrata sa isang exhibition match sa Japanese promotion na Rizin. Sinabi nito na kung hindi maihahabol ngayong taon ay maaaring sa 2021 na ito maisasakatuparan. Iginiit nito na retirado na ito at hindi rin sasabak sa Mixed Martial Arts. Magugunitang noong 2018 […]

  • ESPINOSA AT KASAMA, TINANGKANG TUMAKAS SA NBI JAIL

    TINANGKANG  tumakas sa NBI Detention Center ang tatlong bilanggo na pinangungunahan ni  Rolan “Kerwin” Espinosa.     Sinabi ni NBI OIC-Director Eric B. Distor na napigilan ng mabilis at napapanahong pagkilos ng kanyang mga ahente ang pagtakas ni Espinosa at 2 pang bilanggo.     “As soon as they received the info, they immediately acted […]

  • Ads February 3, 2020