• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Siya ang tinutukoy na new host ng ‘Face 2 Face’: KORINA, kayang-kaya na pagharapın at pag-ayusin ang may hidwaan

HALOS kinumpirma na ng mga netizen kung sino ang “K” na pinahuhulaan sa TV5 na magiging host ng “Face 2 Face” na hino-host ni Karla Estrada, ay Korina Sanchez na at wala nang iba pa.

 

Matatandaang umere muli ang “Face 2 Face” last May 2023. Ang mga naunang hosts nito ay sina Amy Perez at Gelli De Belen.

 

Sa publicity promo ng naturang TV show na pinahuhulaan ay makikita ang silhouette ng isang babaeng may mahabang buhok, na ipinagpalagay ng mga netizen na si broadcast-journalist Korina Sanchez na nga.

 

After umalis sa channel 2 ay halos napapanood sa iba’t ibang TV network si Korina.

 

Sa comment section ng pahulaan lahat ay nagkakaisa ng netizens na si Korina nga ang pinahuhulaan.

 

Makikipagsapalaran kasi sa pulitika si Karla Estrada.

 

Tiyak magiging abala na ang ina ni Daniel Padilla bilang bahagi at nominee ng Tingog party-list na nagpasa ng certificate of nomination and acceptance (CONA) kamakailan para sa 2025 midterm elections.

 

Si Karla rin ang nagsisilbing Director for Community Engagements ng nabanggit na partido.

 

Batay pa rin sa mga komento ng mga netizens mukhang pabor sila at tanggap nila si Korina bilang kapalit ni Karla, dahil tiyak daw na kayang-kaya ng misis ni dating Senador Mar Roxas na pagharapın at pag-ayusin ang nagbabangayang dalawang partido.

 

***

 

DINAGSA nang libu-libong taga-movie and TV industry ang PhilSports Arena (dating ULTRA) sa Pasig City, noong Linggo, October 13, 2024.

 

Ito ay para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), na proyekto nina Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez kasama ang mga kaalyadong mga pulitiko.

 

İsa sa namataan namin na kasama sa entablado ay ang aming ipinagmamalaking congressman ng district one na si Congressman Ernix Dionisio.

 

Bilang constituents at isang brgy opisyal ng Tondo ay tunay pong Nakaka proud na kasama ang aming “working congressman” sa mga nagmamalasakit sa movie and TV industry kasama siyempre kaming mga taga-PMPC at Mowelfund members.

 

Punong puno ng mga taga-movie and TV industry na nagpalista para mabiyayaan ng ayuda mula sa naturang proyekto.

 

Lahat ay nakatanggap ng tigli-limang libong piso, limang kilong bigas, at naabutan pa ng pagkain.

 

Nagsagawa rin ng assistance ang iba pang sangay ng gobiyerno na kagaya ng renewal ng passport, Philhealth, NBI clearance, at iba pa.

 

Ang araw na ‘yun ay para sa para sa mga taga-entertainment industry kaya present din ang kakampi ng administration na ilang pulitikong taga-showbiz.

 

Present ang mag-asawang Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado, Cong. Arjo Atayde, Congressman Erwin Tulfo, dating DILG Secretary Benhur Abalos, at si Congressman Roman Romulo.

 

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Pagpasok sa Pinas ng foreign nationals at returning OFWs, suspendido

    PANSAMANTALANG sinuspinde ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpasok ng mga foreign nationals at returning overseas Filipinos  (OFWs) na non-overseas workers sa bansa simula sa Marso 20 hanggang Abril 19.   Ipinag-utos din ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na limitahan lamang ang inbound international passengers sa 1,500 kada […]

  • Ads August 2, 2022

  • Witness the Final Journey of Marvel Studios’ Beloved Space Trilogy

    GET ready for another wild ride across the galaxy as everyone’s beloved band of misfits returns for Marvel Studios’ “Guardians of the Galaxy Vol. 3“. Grab your advance tickets now and catch the Guardians’ final adventure together!     In this much-awaited film, the Guardians are settling in their new home base on the planet […]