Skyway 3 mananatiling bukas
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
Matapos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng San Miguel Corp. (SMC) at Toll Regulatory Board (TRB) dahil sa di umano ay isang pahayag ng huli na magkakaron ng walang katapusang pagsasara ang Skyway 3.
Subalit sa isang inilabas na opisyal na pahayag noong March 16 ng TRB ang sinasabing walang katapusang pagsasara ng Skyway 3 ay kanilang pinasusungalingan.
“This is to inform the public that the TRB did not issue a decision or directive ordering the indefinite closure of the Skyway Stage 3 starting 5 p.m of March 16. The position of the TRB and its management is to keep it open for the benefit of all motorists,” wika ng TRB.
Ayon naman kay SMC president Ramon Ang, ang Skyway 3 na binuksan partially noong December at nagkaron ng opisyal na pagbubukas noong January ay mananatiling bukas sa gitna ng hindi pagbibigay ng toll operation permit mula sa TRB.
Wika pa ni Ang na lumalaki na ang kanilang pagkalugi dahil sa naaantalang toll collection na dapat sana ay sinimulan noong February pagkatapos na ang SMC ay magbigay ng libreng access sa loob ng isang buwan.
“Basically, TRB is insisting that Skyway 3 cannot start full operations and collect toll until all ramps are 100 percent complete. Our supplemental toll operation agreement states that we can start collecting at 95 percent completion – we are now 97 complete,” saad ni Ang.
Dagdag pa niya na kailangan nila ng sapat na pondo para sa daily maintenance ng kalsada at tamang long-term upkeep upang matiyak na ito ay ligtas at mahusay para sa mga motorista.
Dahil tumataas na ang pagkalugi gawa ng pagaantala ng TRB na simulan na ang toll collection, ang pinakamadaling paraan ay tuluyang ng gawin ang lahat ng ramps upang magkaron ng 100 percent completion subalit ito ay mangangahulugan na ang Skyway 3 ay kailangan munang saraduhan.
Nakipagusap na si Ang kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade tungkol sa nasabing issue at nangako naman na gagawan ng paraan upang maresolba ito nang madali ngunit may pagiingat.
Ang Skyway 3 ay binigyan ng buong pondo mula sa SMC kung saan ito ay nagkakahaga ng humigit na P80 billion.
“We have also made a lot of concessions – including lowering toll fees – in the interest of the public. Also, Skyway 3 is new, but heavy everyday use causes it to deteriorate if not maintained properly. We spend a lot for its upkeep, and at the same time lose a lot in forgone revenues. We cannot operate this and serve people if the project is not generating revenues,” dagdag ni Ang.
Kada taon ay P10 billion ang magagastos sa operasyon ng toll road subalit inaasahan naman na magkakaron ito ng mas mababang revenue na P4 billion lamang kada taon base sa mungkahi na toll rate at existing 60,000 na mga sasakyan kada araw na dami.
Ang mungkahi na toll sa Skyway 3 ay nagkakahalaga ng mula P110 hanggang P274 subalit ang final amount ay ang TRB pa rin ang magdedesiyon. (LASACMAR)
-
Seguridad sa pagsisimula ng campaign period para sa national candidates, maaasahan – PNP
TINIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kanilang bibigyan ng standard security package ang mga kandidato sa national elections sa pagsisimula ng campaign period, February 8, 2022. Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, handa na ang latag ng kanilang seguridad para matiyak na magiging mapayapa ang panahon ng kampanya hanggang […]
-
Boston Celtics ambisyon din si Durant mula sa Brooklyn Nets?
LUMUTANG ngayon ang impormasyon na kabilang ang Boston Celtics sa mga teams na nag-aambisyon umano na makuha ang serbisyo ng NBA superstar na si Kevin Durant mula sa Brooklyn Nets. Nasa isang buwan na ngayon na wala pa ring nakakasungkit kay Durant sa kabila ng hiling nito na malipat ng ibang team. […]
-
‘Tips’ vs cybercrime, ibinahagi ng PNP
Dahil sa dumaraming kaso ng cybercrime kaya muling nagpaalala at nagbigay ng tips ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasang mabiktima ng mga ito. “Avoid unsecured Wi-Fi hotspots; set your device so that it doesn’t automatically connect to external sources”. Isa ito sa ibinahaging paalala at tips ng Philippine National Police […]