• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Slaugher itinutulak sa Gilas

TULOY nap ala ang International Basketball Federation (FIBA) qualifying games sa darating na Nobyembre na may bubble concept.

 

Tuliro tuloy ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para sa Gilas Pilipinas national men’s basketball team dahil walang mabingwit na manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pagtuloy ng Philippine Cup sa Oktubre 11-Disyembre 15 sa Clark, Angeles, Pampanga.

 

Dehado sa ceiling ang koponan natin sa pagkawala ng mga higante gaya nang nagpapagaling pa sa injury na si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

 

Umepal si dating SMB import na si Chris McCullough, bet niyang isalpak si dating Barangay Ginebra San Miguel seven-footer center Gregory Slaughter na nasa USA at lumaro rin team na nagkampeon sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa natin.

 

“Greg Slaughter for Gilas,” tweet nitong Miyerkoles ng 25-year, 6-foot-9 American cager, isa rin sa kinukunsidera ng SBP na maging naturalized player sa Gilas dahil sa kasigasigan din niya.

 

Huling nasilayan ang reinforcement ng Beermen na si McCullough sa PBA 2019 at kahit na isang taon lang ang tinagal sa bansa’y napamahal na agad sa mga Pinoy. Mabighani siya sa bansa natin.

 

Si 6-6 Isaac Go lang ang nag-iisang legit slotman sa Gilas cadet pool sa kasalukuyan para sa nakatakdang laban ng mga Pinoy sa Korea, Thailand, at malamang Indonesia.

 

Kahit may hidwaan ang Gin Kings at si minsan na niyang sinambit na hindi niya tatalikuran sa Gilas kapag kinailangan siya. Aber, patunayan mo nga Greg!

Other News
  • ‘Pertussis outbreak’ idineklara sa Quezon City

    PINAKIKILOS na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang departamento sa city hall upang agad na matugunan at maresolba ang sakit na ‘pertussis’ o ­whooping cough sa lungsod.     Kasunod ito ng deklarasyon ng QC LGU ng ‘pertussis outbreak’ matapos na sumipa sa 23 ang naitalang kaso sa lungsod kung saan apat […]

  • Ads October 28, 2020

  • Ads March 2, 2021