Slaugher itinutulak sa Gilas
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
TULOY nap ala ang International Basketball Federation (FIBA) qualifying games sa darating na Nobyembre na may bubble concept.
Tuliro tuloy ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para sa Gilas Pilipinas national men’s basketball team dahil walang mabingwit na manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pagtuloy ng Philippine Cup sa Oktubre 11-Disyembre 15 sa Clark, Angeles, Pampanga.
Dehado sa ceiling ang koponan natin sa pagkawala ng mga higante gaya nang nagpapagaling pa sa injury na si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.
Umepal si dating SMB import na si Chris McCullough, bet niyang isalpak si dating Barangay Ginebra San Miguel seven-footer center Gregory Slaughter na nasa USA at lumaro rin team na nagkampeon sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa natin.
“Greg Slaughter for Gilas,” tweet nitong Miyerkoles ng 25-year, 6-foot-9 American cager, isa rin sa kinukunsidera ng SBP na maging naturalized player sa Gilas dahil sa kasigasigan din niya.
Huling nasilayan ang reinforcement ng Beermen na si McCullough sa PBA 2019 at kahit na isang taon lang ang tinagal sa bansa’y napamahal na agad sa mga Pinoy. Mabighani siya sa bansa natin.
Si 6-6 Isaac Go lang ang nag-iisang legit slotman sa Gilas cadet pool sa kasalukuyan para sa nakatakdang laban ng mga Pinoy sa Korea, Thailand, at malamang Indonesia.
Kahit may hidwaan ang Gin Kings at si minsan na niyang sinambit na hindi niya tatalikuran sa Gilas kapag kinailangan siya. Aber, patunayan mo nga Greg!
-
Tinanggap ang movie dahil walang filmfest entry si Vic: JOEY, nagtampo talaga kay TONI nang umalis sa ‘Eat Bulaga’
CONGRATULATIONS sa top-rating GMA Primetime series na “Maria Clara at Ibarra” nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo. Ang serye ang tumanggap ng 1st Gawad Banyuhay Award para sa Programang Pang-edukasyon, held at the Manila Ballroom ng Manila Hotel last Monday, December 12. Si Barbie Forteza ang tumanggap ng […]
-
Japanese tennis star Naomi Osaka nanguna sa highest paid athletes ng Forbes
KINILALA ng Forbes magazines bilang world’s highest-paid femaile athletes si Japanese tennis star Naomi Osaka. Mayroong $57.3 milyon mula sa kaniyang prize money at endorsement ang kaniiyang nalikom noong nakaraang taon. Ang listahan ay inilabas isang taon mula ng umatras si Osaka mula sa French Open para mag-focus sa kaniyang mental […]
-
Hong Kong, nagkakaubusan na espasyo sa morgue at supply ng kabaong sa dami ng mga namamatay dahil sa COVID-19
NAUUBUSAN na ng espasyo ang mga morgue sa Hong Kong dahil sa maraming mga biktima ang namamatay ngayon dahil sa COVID-19. Batay kasi datos ay nakapagtala na ng halos isang milyong impeksyon ng COVID-19 habang nasa mahigit 4,600 naman ang mga naitalang namamatay sa Hong Kong ng dahil sa nasabing sakit sa loob […]