• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Slaughter pinagsabihan ni Baldwin

BAGO pa magsabi sa Samahang Basketbaol ng Pilipinas (SBP) upang muling makapaglaro sa Gilas Pilipinas, dapat munang tuldukan ang sabit sa Philippine Basketball Association (PBA) mother ballclub, Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings.

 

Iginiit ito Biyernes ni SBP Program Director Thomas Anthony (Tab) Baldwin kay BGSM free agent Gregory William (Greg) Slaughter na nagbalik na sa bansa ilang araw ang nakalilipas mula sa mahigit kalahating taong training at bakasyon sa Estados Unidos.

 

Pero maaring nakikipag-ayos naman na ang 32-taong-gulang, may taas na pitong talampakang Fil-Am center.

 

Sa huling Instagram post niya, nag-goodluck si Slaughter dating kakamping si Japeth Paul Aguilar pa-Clark Freeports and Special Economic Zone bubble na sinagot naman ng huli sana’y muling makasama sila sa pagbabasketbol.

 

Pagkatulong sa Gin Kings na mapaulo sa trono ng 44th PBA PBA Governors’ Cup nitong Enero, hindi pumirma ng bagong kontrata sa crowd favorite ang higante.

 

Nag-Tate kaya isinama ni coach Earl Timothy (Tim) Cone sa 15-man lineup ng Ginebra para sa nagbukas na kahapong 45th PBA Philippine Cup 2020 eliminations sa Clark, Angeles City, Pampanga. (REC)

Other News
  • Yulo kakasa sa 4 na finals event sa World Championships

    NAGPAPARAMDAM na ng puwersa si Tokyo Olympics veteran Carlos Edriel Yulo matapos pumasok sa finals ng apat na events sa prestihiyosong 51st FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Liverpool, England.     Inilatag ni Yulo ang pinakamalakas na puwersa nito upang masiguro ang pag-entra sa finals kabilang na ang kanyang paboritong floor-exercise event. […]

  • NADINE, nagsimula nang mag-shooting at si DIEGO ang napiling ka-partner; netizens nag-react sa teaser photos

    NAGSIMULA na ngang mag-shooting si Nadine Lustre para sa comeback film niya sa Viva Films at sa direksyon ni Yam Laranas.     Nag-post na si Direk Yam ng teaser photos sa kanyang Instagram account na may caption na, “GREED @vivamaxph #actor@nadine @diegoloyzaga #filmmaking #storytelling #cinema #cinematography#filmproduction @viva_films x @meshlabprod #entertainment.”     Marami namang […]

  • Pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR, hindi dahil sa eleksyon – OCTA

    NILINAW ng OCTA Research group na ang mas maraming transmissible Omicron subvariants COVID-19 ang dahilan ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit sa Metro Manila.     Sa isang pahayag, binigyang-diin ni OCTA research fellow Dr. Guido David na hindi ito dahil sa mga aktibidad na inilunsad noong panahon ng eleksyon.     […]