• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SMC itutuloy ang paglalagay ng BRT system sa Skyway 3

Itutuloy ng San Miguel Corp. (SMC) ang planong paglalagay ng bus rapid system (BRT) sa kahabaan ng elevated Skyway Stage 3 expressway.

 

 

Ngayon tapos na ang proyektong Skyway Stage 3, sinabi ng SMC na pursigudo silang ituloy ang planong paglalagay ng BRT upang mas gumanda ang paglalakbay at masuportuhan ang tuloy-tuloy na daloy ng transportasyon.

 

 

“As early as 2017, we had been considering the BRT system on the Skyway to further decongest traffic in Metro Manila and transform the commuting experience of many Filipinos,” wika ni SMC president Ramon Ang.

 

 

Gumagawa na ng pag-aaral ang SMC para sa pagtatayo ng BRT sa Skyway at ginagawa na rin ang plano para dito. Ang nasabing plano ay ibibigay sa Department of Transportation (DOTr) kapag tapos na ang pag-aaral na ginagawa.

 

 

“We’re excited to start discussions on this. The most important thing is that the platform is already here – the completed elevated Skyway system – and this BRT or high-capacity P2P system will make commuting faster and better for motorists,” saad pa rin ni Ang.

 

 

Sa pamamagitan ng Skyway, ang BRT ay gagamit ng mga buses na magsasakay ng mas maraming pasahero sa tamang oras at hihinto lamang sa mga designated stations sa tinalagang pagitan.

 

 

Ang BRT system ay maaari rin na isahintulad sa high-capacity point-to-point (P2P) bus system.

 

 

Makakatulong din ang BRT system sa pagkunti ng mga sasakyan na nagkukumpetensiya ng lugar sa lansangan kung kaya’t mababawasan ang pagsisikip sa mga kalsada. Magkakaron din ng magandang karanasan ang mga motorista at pasahero na sa araw-araw ay sumasakay sa pampublikong transportasyon.

 

 

Ang plano ng SMC ay ang BRT system ay magsisumula sa Skyway galing Susana Heights sa San Pedro, Laguna hanggang Balintawak.

 

 

“Our expressways are designed not just for motorists, but also to serve as a platform for efficient and sustainable mass transportation,” dagdag ni Ang.

 

 

Ayon pa rin kay Ang, ang mga motorista ay mas pipiliin ang mayrong mahusay na sistema ng pambuplikong transportasyon na may ligtas, kumportable, at murang pamasahe kaysa magdala ng kanilang sariling sasakyan.

 

 

Naniniwala si Ang na ang kanilang elevated expressway ay importante sa paglutas ng traffic sa Metro Manila kung saan ang traffic ay mas magiging matindi pa sa mga darating na panahon. Para sa kanya kailangan ng gumawa ng mga aksyon ngayon para hindi na lumala pa ito. (LASACMAR)

Other News
  • Takas na wanted na Japanese National, ipapa-deport dahil sa fraud at money laundering

      NAKATAKDANG ipa-deport ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa Tokyo dahil sa fraud at money laundering.       Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na si Hiroyuki Kawasaki, 37, ay inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 habang ito ay papasakay sa Philippine Airlines patungong Singapore.     […]

  • Init titindi pa sa 16 lugar – PAGASA

    PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophy­sical Astronomical Service Administration (PAGASA) ang publiko na mas marami pang tubig ang inumin araw-araw bunsod ng mas tumitinding init ng panahon.     Ito’y ayon sa PAGASA, sa posibilidad na maitala ngayong araw sa 16 na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o “dangerous heat index”.   […]

  • Sa sobrang init: Mamalagi sa bahay – PAGASA

    Dahil sa sobrang init ng panahon, hinikayat ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at mamalagi lamang sa loob ng tahanan dahil aabutin ng 38 degrees Celsius ang heat index.     Ayon kay weather forecaster Chris Perez, nitong nagdaang linggo ay nakaranas ang Metro Manila ng maximum temperature na 34.8 degrees Celsius pero aabutin ang […]