SMOKE FREE MANILA INILUNSAD
- Published on December 2, 2022
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi sa selebrasyon ng Lung Cancer Awareness month ay inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health development (DOH-MMCHD) ngayong martes ang kampanya na maging smoke-free ang Manila Bay.
Ang aktibidad ay inilunsad sa Baywalk Dolomite Beach na may layuning itaguyod at isulong ang isang breathable environment kung saan ang publiko ay maaring magpalipas ng oras habang naglilibang .
Sa nasabing kampanya, nangako ang ibat-ibang ahensya at NGOs ng No Smoking sign na ilalagay sa Dolomite Beach.
Kasama rito ang Metropolitan manila Development Authority at Maila LGU gayundin ang pribadong sektor tulad ng Action on Smoking &Health (ASH) at Philippines and Asia Pacific Cities Alliance for Health and Development (APCAT).
Noong 2020, ipinakita sa datos mula sa World Health Organization (WHO) Global Cancer Observatory na ang lung cancer ay nanatiling pangalawang pinakalaganap na sakit at ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay na may kaugnayan sa cancer sa parehong kasarian sa buong mundo.
Sa Pilipinas, 19,180 na bagong lung cancer ang naitala para sa parehong kasarian na katumbas ng 12.5 percent ng lahat ng kaso ng canser sa bansa.
Ang nasabing porsyento ay pangalawa sa pinakamataas sa lahat ng uri ng cancer na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso.
Sa pamamagitan ng paglulunsad ng Smoke-Free Maila Bay kasama ang mga multi-sectoral partner agencies, sinabi ng DOH-MMCHD na umaasa ang maraming Pilipino na makita ang paninigarilyo bilang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa baga kaya hindi sila hinihikayat sa nasabing bisyo. (GENE ADSUARA)
-
Pilot episode ng ‘Family Feud’, nakakuha ng mataas na rating… DINGDONG, naipasyal na rin nila ni MARIAN ang mga anak na sina ZIA at SIXTO
CONGRATULATIONS to Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil ang world premiere ng bago niyang show, which he is hosting, ang “Family Feud Philippines” ay nakakuha ng mataas na rating kaysa dalawang kasabayan niyang programa sa ibang network, last Monday, March 21. Hinintay naman ng mga viewers ang pilot telecast ng show na minsan nang nai-host […]
-
PAGBAWI SA PRODUKTONG NOODLES, INIIMBESTIGAHAN
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) sa ulat ng pagbawi o pag-recall sa isang produkto ng noodles . Sa inilabas na FDA Advisory ni Officer in Charge Director General Dr.Oscar Gutierrez, Jr para sa mga konsyumer, sinabing nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa food business operator upang suriin ang kanilang […]
-
Reyes tutumbok sa Enero 23
PINAG-AARALAN ni Efren ‘Bata’ Reyes at kanyang pamilya na ipatimbog sa mga awtoridad para kasuhan ang nagpakalat ng fake news sa social media nitong Sabado na patay na ang alamat ng bilyar. Nakatakdang sumargo pa ang 66-anyos na, may taas na 5-9 cue artist kapareha si Ronato ‘Ronnie’ Alcano upang kalabanin ang kumpareng si […]