• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sobrang blessed na nandito pa rin bilang Kapuso: DENNIS, hindi akalain na tatagal ng dalawang dekada

ASAHAN ang mas maraming groundbreaking performances mula sa award-winning actor at Kapuso Drama King na si Dennis Trillo, sa muli niyang pag-renew ng kontrata sa GMA Network na ginanap noong Oktubre 10.

 

Bahagi ito ng selebrasyon para sa kanyang ika-20 anibersaryo bilang Kapuso.
Pumirma para sa GMA sina Chairman at Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon, Presidente at Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President at Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, at Senior Vice President para sa Entertainment Group na si Lilybeth G. Rasonable.

 

Kumatawan naman sa Aguila Entertainment ang Talent Manager at CEO nito na si Katrina Aguila.

 

Dumalo rin sa event ang Vice President for Corporate Affairs and Communications ng GMA Network na si Angela Javier Cruz, Vice President for Business Development Department I Cheryl Ching-Sy, Vice President for Business Development Department II Janine Piad-Nacar, Consultant for Business Development Department III Darling de Jesus-Bodegon, Vice President for Business Development Department III Gigi Santiago-Lara, Assistant Vice President for Business Development Department II Enri Calaycay, Assistant Vice President for Drama Helen Rose S. Sese, Senior Program Managers Redgynn Alba, Cathy Ochoa-Perez, Edlyn Tallada-Abuel, at Executive Producer na si Michele Borja.

 

Isa nga si Dennis sa pinakamalaking pangalan sa Philippine showbiz. Binibigyang-buhay niya ang mga karakter nang may utmost authenticity at bilang isang patunay sa kanyang kahanga-hanga na talento, ang aktor ay nakakuha ng ilang mga pagkilala.

 

Inamin naman ni Dennis na ‘di pa rin siya makapaniwala sa mga ‘di matatawang accomplishments sa nakalipas na dalawang dekada.

 

“Naalala ko ‘yung pakiramdam nung unang pagtungtong ko rito sa GMA. Para kang pumapasok sa bagong teritoryo, bagong tahanan. Hindi mo alam kung anong mangyayari sa career mo. “Now, feeling fulfilled ako na na-achieve ko ang mga pangarap ko. Sobrang blessed na hanggang ngayon nandito pa rin ako sa industriya.

 

“Hindi ko akalain na tatagal ako ng 20 years kaya napaka-special ng araw at renewal ng contract na ito,” pahayag ng aktor na gabi-gabing napapanood sa ‘Love Before Sunrise’ na kung saan katambal niya si Bea Alonzo.

 

Ni-reveal naman ni Ms. Lilibeth na palaging challenge sa Entertainment Group na maka-create ng out-of-the-box characters na babagay sa Kapuso Drama King.

 

“He’s very capable and actually kami ang nacha-challenge na isipan ng roles si Dennis kasi he really performs to the best of his abilities and nagagampanan niya beyond our expectations. That’s why we want to give the roles that he deserves because napakahusay talaga niya.”

 

Sa paglipas ng mga taon, napatunayan ni Dennis ang kanyang magnetic charisma, walang kaparis na kahusayan, at likas na pagkahilig sa kanyang craft.

 

No wonder why he never failed na ma-capture ang mga puso ng viewers. Siguradong lalo siyang magniningning sa pagpapatuloy ng kanyang journey bilang isang Kapuso!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mahigit P7-B na halaga pinare-refund ng ERC sa Meralco

    INATASAN ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na i-refund ang bilyon-bilyong “over recoveries” sa loob sa loob ng 12 buwan o isang taon, simula ngayong Mayo.     Ayon sa ERC, dapat na ibigay ng Meralco ang nasa mahigit P7.75 billion na refund sa mga residential consumer nito.     Papalo […]

  • 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿., 𝗻𝘂𝗺𝗲𝗿𝗼 𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 ‘𝗴𝗵𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿’ 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗲𝗲𝗻 – 𝗚𝗔𝗕𝗥𝗜𝗘𝗟𝗔

    PINUNA ng grupong GABRIELA ang pagiging “missing-in-action” ni Marcos Jr. at tinawag siyang “ghoster” ngayong palapit na ang Undas kung saan sinalanta ng bagyong Paeng ang bansa habang minumulto ng nagtataasang presyo ng bilihin at bayarin ang mamamayan.     “Nasaan ba talaga ang pangulo? Ang ibig-sabihin yata ng PBBM ay President Bong Bong Missing-in-action! […]

  • Marcos, ipagpapatuloy ang giyera laban sa illegal na droga ‘with respect for rights, focus on rehabilitation’- diplomat

    NANGAKO si President-elect Ferdinand Marcos Jr.  na ipagpapatuloy niya ang sinimulang giyera  ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte laban sa  illegal na droga  na may paggalang sa karapatang-pantao at nakatuon ang pansin sa rehabilitasyon.     Sinabi ni Ambassador Annika Thunborg of Sweden,  ipinahayag ni Marcos ang usaping ito sa kanilang meeting kung saan tinalakay […]