• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sobrang down-to-earth ang Korean superstar: PARK HYUNG SIK, pinakilig nang husto ang Pinoy ‘SIKcret agents’

SULIT at super enjoy kami sa panonood for the first time ng fan meet ng isang Korean superstar na si Park Hyung Sik, ang lead actor ng K-drama na Doctor Slump na napapanood ngayon sa Netflix Philippines.

 

Sa naturang rom-com series kasama niya ang Korean actress na si Park Shin-hye.

 

Ang matagumpay na ‘2024 Asia Tour Fan Meeting: SIKcret Time in Manila’ ay ginanap noong Sabado, February 17 sa Smart Araneta Coliseum, na in-organize ng MQ Live at PublicityAsia.

 

For sure, kilala ng mga Pinoy fans ang Korean actor-singer na lumabas na sa mga seryeng The Heirs (2013), High Society (2015), Hwarang: The Poet Warrior Youth (2016-2017), Strong Girl Bong-soon (2017), Suits (2018), Happiness (2021), at Our Blooming Youth (2023).

 

Dumagsa at masayang nagsama-sama ang “SIKcret agents”, tawag sa mga fans ni Hyung Sik.

 

Kapansin-pansin na kahit super sikat nga ang Hallyu star, litaw na litaw ang pagiging down-to-earth nito at likas ang kaibaitan.

 

Ramdam na ramdam namin at kitang-kita kung paano siya nagpakita ng appreciation sa Pinoy fans na nag-ipon at nag-effort para makapanood ng naturang fan meeting, na pinag-isipan talaga ang concept, para lubusang ma-enjoy ng mga fans ni Hyung Sik.

 

Maayos ang flow ng fan meeting na puno ng kwentuhan, hanggang sa hi-and-bye portion niya pagkatapos ng show.

 

Aliw na aliw rin kami sa host ng show na si Janeena Chan, na maraming naiturong Tagalog words kay Hyung Sik, na mabilis naman nitong nakukuha.

 

Tuwang-tuwa rin kami sa mala-Pinoy Henyo na game, na kung saan ang Tagalog word at huhulaan ng Korean actor-singer ang kahulugan nito sa Korean sa tulong ng masuwerteng napiling Pinoy fans.

 

Ilang nga sa pinahulaan ay buwaya, mahal kita, masarap, labi, sapatos at gwapo.

 

Game na game din siyang sumagot sa Q&A na sinulat at hinulog sa box ng fans. Na kung saan sa isang tanong, ay biglang kumanta si Hyung Sik ng song ng kanyang favorite Korean singer na Park Hyo Sin.

 

Isa nga sa katangian ng isang Korean superstar, na bukod sa gwapo at marunong umarte ay mahusay din silang kumanta.

 

Dagdag kilig nga yung sa Pinoy fans, dahil para silang hinaharana ni Hyung Sik sa kanyang pag-awit ng “Off My Face” ni Justin Bieber, ang OST ng ‘Strong Woman Do Bong Soon’ na “Because of You,” at “Every Moment of You” na mula naman sa ‘My Love From the Star’.

 

Second time na ito ng Korean superstar na mag-fan meet sa Maynila, at nangako siya na muli siyang babalik, na siguradong may bago na niyang projects.

 

Ayon pa sa Hallyu star, hinding-hindi niya makalilimutan ang matinding pagmamahal na natanggap niya mula sa kanyang mga Pinoy fans sa fan meet na tumagal ng dalawang oras, na kung saan mas nakilala siya ng kanyang ‘SIKcret agents.’

 

Tinapos ni Hyung Sik ang fan meeting sa pamamagitan ng isang mensahe para sa kanyang mga tagahanga, na nagpapasalamat sa kanila sa kanilang walang humpay na suporta para sa kanyang mga proyekto.

 

“After four years, ngayon lang ako nakabalik. Thank you so much for all your passionate love.

 

 

“You know, I believe that you all have a great response when you see ‘Strong Woman Do Bong Soon.’ I can see that you really love that drama here in the Philippines, thank you so much.

 

 

“And also for my current show, ‘Doctor Slump,’ thank you so much for your love.

 

 

“Now I go back to Korea, I’ll come back with a lot more better project sana magiging excited kayo sa susunod. And siyempre, I want to make more opportunities in the future to meet all of you more. Thank you very much,” pahayag ni Hyung Siķ sa mga fans niya in Korean.

 

 

Nagulat naman siya sa pagbulaga sa big screen ng mga mensahe sa kanya ng mga fans. Nagpa-selfie rin siya crowd na may hawak ng banner, na ikinatuwa niya.

 

 

Kung pwede nga lang na next year ay bumalik uli siya sa ‘Pinas dahil nag-enjoy siya sa kanyang fan meet, at gusto niyang mag-scuba diving, pati na ang masasarap na pagkaing Pinoy.

 

 

Pahabol pa na mensahe pa ni Hyung Sik, “I’m not gonna forget all this energy that you gave me and remember that until my next proiect, I can do it better as well. Thank you!”

 

 

Ang fan meet niya sa Manila ay bahagi ng kanyang “SIKcret Time” Asia Tour, na nagsimula sa Hong Kong noong nakaraang taon at nagpatuloy sa South Korea, Japan, at Indonesia.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Fuel subsidy sa trike drivers, pabibilisin – DOTr

    PABIBILISIN  ng Department of Transportation (DOTr) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa libu-libong tricycle dri­vers na hindi pa natatanggap ang bahagi nila sa P2.5 bilyon na inilaan ng pamahalaan.     Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, pinag-usapan nila ni DOTr Sec. Jaime Bautista kung paano mapapabilis ang pamamahagi ng subsidy dahil hirap na hirap […]

  • ALDEN, thankful na kabila ng pandemya ay tinatangkilik pa rin ang food chain; maraming natutuwa ‘pag nakikitang nagsi-serve

    CONGRATULATIONS kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards at sa kanyang staff ng food chain na Binan McDonalds na nag-celebrate ng ng second anniversary last Tuesday, April 27.      Thankful si Alden na sa kabila ng pinagdaraanan nating pandemic, patuloy pa rin ang pagtangkilik ng mga customers sa kanila.     Nagtayo kasi sila ng […]

  • 20 KATAO SUGATAN SA PANIBAGONG KAGULUHAN SA JERUSALEM

    NASA mahigit 20 Israelis at Palestinians ang nasugatan sa panibagong mga insidente ng kaguluhan sa Al-Aqsa Mosque compound sa Jerusalem ito ay dalawang araw matapos ang nangyaring major violence sa naturang site noong nakalipas na linggo.     Bunsod nito, pumapalo na sa mahigit 170 ang bilang ng mga nadamay at nasugatan sa naturang kaguluhan […]