Sobrang nakaka-excite ang muli nilang pagsasama: VILMA at CARLO, parang mag-ate lang ayon sa mga netizens
- Published on May 5, 2023
- by @peoplesbalita
NAGING usap-usapan ang social media post nina Carlo Aquino at Vilma Santos-Recto, na lumabas na mag-ina sa iconic movie na “Bata, Bata…Paano ka Ginawa?” na isinulat ni Lualhati Bautista sa direksyon ni Chito Roño.
Sa naturang pelikula binitawan ni Ojie (Carlo), anak ni Lea Bustamante (Vilma), ang iconic lines na, “Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!” Kasunod ang matunog at pinag-usapang sampalan scene.
Sa caption ni Star For All Seasons, kasama ng dalawang larawan, “Meeting with Carlo Aquino @jose_liwanag and Direk Adolf Alix @aalixjr. Galing!”
Nag-comment naman si Carlo ng, “Love you mommy vi!!” at nagpasalamat naman ang direktor.
Sa IG post naman ni Carlo, “Meeting. Soon. Claiming it,” na kung saan kasama din niya si Ate Vi at Direk Adolf.
Kahit hindi pa malinaw, marami naman ang nag-iisip na reunion movie ito nina Vilma at Carlo, at pahayag naman ng direktor, “Claiming it! Soon! Ms. Vilma Santos x Carlo Aquino.”
Pinusuan naman ito ng mga netizens at aliw na aliw sila sa kay Ate Vi na para raw ‘nene’ at hindi tumatanda.
“Wow! Parang mag Ate lang. Parang may lahing Bampira ang aming mahal na Vilma Santos hindi tumatanda.”
“Yes, parang mag-Ate lang parang hindi tumatanda at mahal na Ate Vi
“Grabe si Ate V parang mag jowa lang sila ni Carlo, ang bata ng aura ni Ate V!”
“Naaliw ako kay Ate Vi dito sa photo. Ang nene tignan ng katawan niya. Sanaol petit.”
“Ganda ni ate vi! Fit at alaga ang skin!”
“Ganyan talaga sis pag walang Bisyo!”
“Sanaol maganda skin. Ako di maganda skin ko kahit anong alaga ko. Siguro nasa genes na ng family.”
Dagdag pa ng mga maritess…
“Hindi nababakante si Carlo ah.”
“Aba e kung aktingan lang din naman carlo is miles away sa mga top leading men now.”
“In fernez kaya naman ni Carlo si Ate V in terms of acting. Sobrang memorable talaga ang scene nila!”
“Akala mo lang wala. Pero meron meron part 2.”
“Sana may sampalan scenes ulit… Tita V, paki lakasan po yung sampal diyan kay Carlo.”
“Swerte ni Carlo na kasama siya sa comeback ni ate V!! Alagang alaga talaga siya ng ABS! Big thanks to Angge! Haha!”
Tunay na kaabang-abang ang muling pagsasama nina Ate Vi at Carlo, for sure, tatatak uli ito sa showbiz industry.
(ROHN ROMULO)
-
Sokor Pres. Yoon Suk Yeol, nasa bansa para sa 2-day state visit
NASA Pilipinas ngayon si South Korean President Yoon Suk Yeol para sa kanyang state visit sa Pilipinas na nagkataong kasabay ng 75th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea. Bahagi ng state visit ng South Korean leader ay ang kanilang magiging pagkikita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa […]
-
Sikat na sikat at ramdam pati ng parents niya: DAVID, never talagang inisip na magiging artista
TULOY ang showbiz career nina Jan Marini at mister niyang si Gerard Pizarras sa pamamagitan ng manager nilang si Rams David ng Artist Circle Management. Pareho silang freelancer, hindi sila nakatali sa kahit na anong TV Network, ang pinakahuling serye ni Jan ay sa Kapamilya Network, ang ‘A Soldier’s Heart’. “Pero inabutan yun […]
-
Ads April 25, 2022