Sobrang nakaka-touch ang IG post: SYLVIA, ligtas na sa pagyayaya ni ARJO dahil kay MAINE
- Published on April 18, 2023
- by @peoplesbalita
SOBRANG nakaka-touch ang latest post ni Sylvia Sanchez sa kanyang IG account na para sa kanyang soon to be daugther-in-law na si Maine Mendoza.
Kasama ang isang short video habang nakasakay sa roller coaster si Cong. Arjo Atayde na sumisigaw habang natatawa at Maine na cool at kampante lang.
Panimula ng premyadong aktres, “Watching this brings back so many memories!
“Dati pag gusto mong mag roller coaster, ayaw mong sumakay mag isa, ako lagi ang niyayaya mo. Ganyan ka na bata palang. Wala pa ring pinagbago, sigaw at tawa ka pa rin hahaha.”
Dagdag pa ni Sylvia, “Ngayon, masaya akong makita na may iba ka nang nakakasama at ligtas na ako sa pagyayaya mo.
“Ako yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo’s constant adventure buddy!
“Thank you, Maine My heart is full! Love you both.
Nag-reply naman ang actor, “thank you ma!!! I love you more
” at pinusuan naman ito ni Maine.
Ganun ang reaction ni Bea Alonzo sa post ni Sylvia.
Totoong-totoo naman ang pinost ni Sylvia, dahil nasaksihan namin ito.
Na ganun talaga siya katapang ang aktres sa mga rides at wala talagang inuurangan, kaya siya palagi ang kasama at niyaya ng mga anak, pati na ang mga pamangkin.
Ramdam din namin ang pagsigaw ni Arjo sa tuwing sasakay mga nakakatakot na rides, dahil ganun din ang ginagawa namin, para ma-enjoy at bawasan ang takot.
Kaya naman marami rin ang humahanga kay Maine na chill na chill lang siya, habang ang dyowa niya ay ang sarap ng pagsigaw at pagtawa, kaya kitang-kita ang kaligayahan niya sa mga sandaling ‘yun.
Anyway, ang gaganda ng mga comments sa post na ito ni Ibyang at marami talaga ang natuwa at na-touch.
Say ni Sunshine Garcia, “awww apaka sweet na mother inlaw”
Comment ni Christine Bersola-Babao, “At nakakabilib si Maine ksi sya chill lang! Parang dedma sa thrill ride! Hahaaha! Kung ako yan wala na akong boses sa kakasigaw!! ”
Sabi naman ng cousin na si Marivic Nieto, “Naiyak naman ako dun cousz…. It’s so hard to feel that you have to let go but on the other hand masaya ka kasi he finally found his real happiness n his forever pero siyempre ang Nanay pa din ang #1”
Narito pa ang comments ng netizens at followers ng ArMaine…
“@mainedcm You are so blessed with this beautiful and loving family. God bless you and congressman @arjoatayde”
“Hahaha si meng parang wala lang dpt kay meng pasakayin sa trip to mars tignan ko kung ganyan pa din reaction nya haha si arjo tlaga nag dala hahaha
love i both #Armaine
”
“I used not to like arjo for maine…simply because i’m an aldub fan…but seeing maine is so happy and arjo makes maine happy…gusto ko na din sila…i wish you both happiness forever”
“Sana all…Sana ganyan dn ako tulad ni Maine if makasakay ako ng roller coaster…chill at kalma lng…..”
“Tagos sa heart ang message ”
“Paano kaya napipigil ni Maine na di sumigaw? Grabiii ka @mainedcm ”
“This is so touching, and am happy because Arjo finally find someone as strong and kind hearted like his mom to be his constant adventure buddy. Truly Maine and Arjo are made for each other.”
“Awsss Nay Ibyang naiyak nmn po ako… pero ganon pa man po maraming salamat din sainyo dahil minahal at inalagaan nyo po si maine at nakita ni maine ang tao nagmahal sa knya ng tapat po..soon may aalagaan napo kyo.”
“Awwwwww…every time magg caption po kayo,feel na feel ko..napaka swerte ni Maine sa mother in law..at sobrang napala swerte ng magiging anak ni Maine”
“Super admire ko si ms.@sylviasanchez sa pagihing super mom”
Sabi naman ng isang taga-Kenya, “Hello Sonia ..u are the best mom on our screens and I hope in real life too…”
Anyway, patuloy ngang pinalalabas ang huling serye na nagawa ni Sylvia sa iba’t-ibang bansa, ang ‘Huwag Kang Mangamba’ na kung saan gumanap siyang Barang at iba pa niyang teleserye tulad ng ‘Hanggang Saan’ bilang Sonia.
For sure, marami na rin ang naiinip kung kailan siya muling gagawa ng teleserye.
Pero inaasahan na baka magkaroon siya ng serye this year.
Aminado si Sylvia, after ng magkakasunod na tumatak na character, nagiging mapili lang sila ng kanyang manager na si Arnold Vegafria sa role na tatanggapin.
Kaya kailangan na kakaiba ito at hindi pa niya nagagawa. Na kung saan masusubukan na naman ang husay niya sa pag-arte.
Kaya abang-abang na lang tayo sa i-announce ng kanyang mother studio.
Samantala, inaabangan din kung kailan maipalalabas ang international series ni Arjo na ‘Cattleya Killer.”
Ganun ang prinoduce nilang action movie na ‘Topakk’ na pagtatambal nina Arjo at Julia Montes, na mula sa direksyon ni Richard Somès.
This May, maghahanap sila ng international distributors sa Europeam Film Market na ginaganap sa Cannes, France.
(ROHN ROMULO)
-
Kamara tiniyak patuloy na tututukan ang presyo ng pagkain – House agri panel chair
TINIYAK ng House committee on agriculture and food na tuloy tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural. Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder kung […]
-
No unloading incidents sa MRT 3 ngayon tumataas na ang ridership
WALANG naitalang unloading incidents sa Metro Rail Transit 3 simula pa noong nakaraang taon habang tumataas naman ang bilang ng mga pasahero nito. “MRT 3 has been hitting more than 350,000 weekday ridership for now beginning May 25 with the highest at 370,276 passengers recorded last June 6 and yet no unloading incidents […]
-
matapos sabihin na ang PInas ay papunta na sa basurahan: Malakanyang, binuweltahan si VP Sara
NIRESBAKAN ng Malakanyang si Vice-President Sara Duterte matapos na magpatutsada ito na papunta na ang Pilipinas sa basurahan at nawawalan na umano ng pag-asa ang mga tao dahil hindi nararamdaman ang administrasyong Marcos. ”Hindi ba siya ang nawawala sa Pilipinas ngayon?” ang tugon na patanong ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire […]