Social media page ng Phil. Coast Guard pinasok ng hackers
- Published on February 29, 2024
- by @peoplesbalita
NAPASOK ng hackers ang Facebook page ng Philippine Coast Guard.
Sinabi ni PCG spokesperson Coast Guard Rear Admiral Armand Balilo, naganap ang hacking nitong gabi ng Lunes.
Napansin nila ito ng may dalawang malisyosong video ang naipost sa kaniang Facebook page.
Sinubukang tanggalin ng kanilang Coast Guard Public Affairs Service subalit hindi nila ito ma-access.
Hindi rin nag-iwan ng digital trace sa official email address at mobile phone ang hackers para malaman ang security key bilang bahagi ng online security protection. (Daris Jose)
-
Ads September 23, 2022
-
Mister todas sa kandila
NASAWI ang 59-anyos na padre-de-pamilya na may tinataglay na karamdaman nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Navotas City, Sabado ng madaling araw. Sa ulat ni Caloocan Fire Marshal F/Supt. Ronaldo Sanchez, nagsimulang sumiklab ang sunog dakong alas-3:49 ng madaling araw sa bahay ng biktimang si alyas “Peter” sa Area 1 Block 26, […]
-
Maraming natuwa at naka-relate na celebrity friends: ANGELICA, overwhelmed sa nararamdaman ngayong papalapit nang maging isang ina
SA latest Instagram post ni Angelica Panganiban, naging emosyonal siya nang ibinahagi ang kaligayahang nararamdaman ngayong nalalapit na siyang maging isang ina. Caption ng aktres, “Habang nakaupo sa binubuong nursery… bigla na lang akong naiyak.. napaka overwhelming ng lahat ng ito. Ganito pala ang pakiramdam ng makumpleto ka. “Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit […]