• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Social Services One-Stop Shop, binuksan sa Navotas

PARA mapadali ang pagkuha at pagbibigay ng social services o mga serbisyong tumutugon sa kapakanan ng publiko, pinasinayaan ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang social services one-stop shop sa Navotas City Hall compound.

 

Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama sina Congressman John Rey Tiangco at iba pang opisyal ng lungsod at barangay, ang pagbabasbas at ribbon-cutting ng NavoServe sa Navotas City Hall Annex.

 

“Ang mga taong dumudulog sa city hall at kumukuha ng social services ay mula sa mahihirap na sektor ng ating komunidad. Upang maibsan kahit kaunti ang kanilang mga pasanin, kailangan nating siguruhin na nakukuha nila ang tulong na kanilang kailangan sa komportable, madali at maginahawang paraan,” ani Mayor Tiangco.

 

Sa kabilang banda, pinaalalahanan ni Cong. Tiangco ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na palagiang maglingkod nang may pagmamalasakit at pagkalinga.

 

“Karaniwan sa mga taong pumupunta dito upang humingi ng tulong ay hirap sa buhay. Sikapin natin na mapaglingkuran sila nang may respeto at pagkalinga,” aniya.

 

Sa NavoServe pinoproseso ang mga dokumentong kailangan sa pagkuha ng tulong mula sa pamahalaan, kasama dito ang sertipikasyon mula sa City Information and Communications Technology Office (ICTO), certificate of indigency, at social case study.

 

Makukuha din dito ang mga serbisyong tulad ng Navotas Hospitalization Program (NHP); medical assistance mula kay Mayor Tiangco; Commission on Higher Education (CHED) educational assistance and medical assistance mula kay Cong. Tiangco; pagproseso ng senior citizens and persons with disability (PWD) ID at booklet; at burial assistance.

 

Ang one-stop shop ay tumutugon din sa mga senior citizen na kumukuha ng kanilang P500 NavoRegalo at sa mga PWD na mag-aaral na kumukuha ng kanilang educational assistance. (Richard Mesa)

Other News
  • Face shield mandatory sa pagboto – Comelec

    HINDI muna dapat itapon ang mga ‘face shields’ dahil sa kakailanganin pa ring isuot ito ng mga botante na dadagsa sa tinatayang 105,000 voting precincts sa National at Local Elections sa Mayo 9, ayon sa Commission on Elections (Comelec).     “We are looking at 105,000 precincts. That is up from only around 80,000 nung […]

  • “PETER RABBIT” STILL A MASTER OF MISCHIEF IN SEQUEL’S NEW TRAILER

    THIS year, get ready for the ultimate family event! Watch the new trailer for Peter Rabbit 2: The Runaway now and see Peter in Philippine cinemas soon.     YouTube: https://youtu.be/u_6epDAeAl0     About Peter Rabbit 2: The Runaway     In Peter Rabbit 2: The Runaway, the lovable rogue is back. Bea, Thomas, and the rabbits have created a makeshift […]

  • Dagdag na 300 kaso ng COVID 19 nitong nakalipas na linggo, hindi dapat na ipag- alala -Dr. Solante

    HINDI pa maituturing na isang concern o alalahanin ang mahigit 300 kaso ng COVID 19 na nadagdag kamakalawa.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni  Infectious Disease  Expert Dr. Rontgene Solante na alam na naman ng mga kinauukulan kung paano ito masugpo at mako-kontrol.     Sa katunayan, nasubukan na aniya ng  ito  […]