SOKOR National na wanted sa illegal online gambling, inaresto ng BI
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang siang puganteng South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa llegal online gambling.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na si Choi Sungsun, 33, ay inaresto sa kanyang tinutuluyan sa San Juan City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ang pagkakaaresto kay Choi ay bunsod sa mission order na inisyu ni Morente matapos ipaalam ng mga awtoridad ng South Korean na ang suspek ay nagtatago sa bansa.
Ayon naman kay BI FSU Chief Bobby Raquepo, si Choi ay kasama sa Interpol red notice na inisyu noong August 11, matapos nag-isyu ang Busan court ng warrant of arrest laban sa kanya.
Si Choi ay kinasuhan ng fraud sa korte sa kanilang bansa dahil sa pago-operate ng illegal gambling sites sa internet at nagtayo rin ng private online gambling sites sa Pilipinas.
Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa CIDG habang hinihintay ang resulta ng kanyang COVID-19 swab test.
“He will be sent back to South Korea after the BI board of commissioners issues the order for his summary deportation. Afterwards he will be blacklisted and banned from re-entering the Philippines.” ayon kay Morente. (Gene Adsuara)
-
Double face mask mas mabisang pang-iwas vs COVID-19
Inirekomenda ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos ang pagsusuot ng dobleng face mask para mas mabisang makaiwas sa pagkahawa sa coronavirus 2019. Sa bagong resulta ng pag-aaral ng CDC, mas mabisang pag-iwas sa virus kung ipapatong ang cloth mask sa disposable medical mask. Kapag isang disposable […]
-
Magiging abala sa pagpo-promote ng filmfest entry na ’Topakk’: ARJO, pagsasabayin ang pagiging public servant at mahusay na aktor
MARAMING natulungan noong kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 si Congressman Arjo Atayde ng 1stt District ng Quezon City kahit wala pa siya sa puwesto sa gobyerno. At kahit noong bata pa siya ay nagtsa-charity works na siya. Lahad niya, “Yes po, iba-iba na rin po, our own na rin po yun, of our […]
-
PBBM sinuspinde ang LTFRB chairman
SINUSPINDE ni President Ferdinand R. Marcos si Land Transpotation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz dahil sa alegasyon ng korupsyon na binabato sa kanya. Ang Presidential Communications Office (PCO) ang nagbigay ng anunsiyo sa kanyang suspensyon. Nag-utos naman si President Marcos ng isang imbestigasyon sa nasabing alegasyon. […]