• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sokor Pres. Yoon Suk Yeol, nasa bansa para sa 2-day state visit

NASA Pilipinas ngayon si South Korean President Yoon Suk Yeol para sa kanyang state visit sa Pilipinas na nagkataong kasabay ng 75th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

 

 

Bahagi ng state visit ng South Korean leader ay ang kanilang magiging pagkikita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacang pasado alas-9:00 kahapon ng umaga.

 

 

Kasama rin sa naka-line up na activity ng Presidente ng South Korea ay ang kanilang bilateral meeting ng Chief Executive.

 

Ilang agreement din sa pagitan ng Pilipinas at ng South Korea ang ipe- presenta habang mag- iisyu din kapwa ng kani- kanyang statement ang dalawang Presidente bilang bahagi ng programa.

 

 

Hindi rin mawawala ang State Luncheon na inihanda sa bisitang South Korean President na gagawin sa ceremonial hall ng Palasyo.

 

 

Inaasahan namang mapag- uusapan ng dalawang lider mamaya Ang may kinalaman sa political, security, defense cooperation, maritime issues, economic development at uspain ng labor. (Daris Jose)

Other News
  • Parak tigbak sa cargo truck

    Nasawi ang isang bagitong pulis matapos aksidenteng salpukin ng isang cargo truck ang likuran bahagi ng kanyang motorsiklo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.       Binawian ng buhay habang ginagamot sa North Caloocan Doctors Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Pat. Kevin Pinlac, 27, nakatalaga sa Northern […]

  • P19B pondo ng NTF-ELCAC, hindi ginamit sa campaign propaganda-Badoy

    IGINIT ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi ginamit sa campaign propaganda ang P19-bilyong kabuuang budget nito.   Binigyang diin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Marie Badoy, isa ring tagapagsalita ng NTF-ELCAC na ginamit ang nasabing pondo sa pagpapa-unlad ng mahigit sa 800 barangays na “cleared […]

  • Obiena kumpiyansa sa tsansa sa Olympic gold

    Habang lumalapit ang mga araw para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan ay pataas nang pataas ang kumpiyansa ni national pole vaulter Ernest John Obiena.     “I think that I have the best chances than all that I have had all throughout the years,” sabi ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa […]