Sold out na ang SVIP tickets at marami pang naghahanap: JUAN KARLOS, matagal bago na-convince ni SYLVIA na mag-first major concert
- Published on October 16, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG dekada na pala sa showbiz industry si Juan Karlos Labajo.
At bilang selebrasyon sa kanyang 10th anniversary, magkakaroon siya ng very first major concert, ang “juan karlos LIVE,” na gaganapin sa November 29 sa SM Mall of Asia Arena.
Produce ito ng Nathan Studios Inc. na pag-aari ng pamilya ni Sylvia Sanchez.
Pag-amin ni juan karlos, dream come true ito para sa kanya.
“This is a dream come true. This proves that there is room for everyone in the music industry. I’ve always wanted it, and it’s finally happening thanks to Nathan Studios, who believes in my worth and artistry,” sabi ng singer/actor/composer.
Dagdag pa niya, “The concert’s production team is working hard to polish all the elements needed in order to provide the greatest possible concert experience for everyone. Of course, they’ll hear and see me perform my hits as well as a few songs that have influenced me as an artist.”
Aminado naman si JK na matagal na siyang kino-convince ni Sylvia na mag-concert sa malaking venue pero natagalan bago siya nag-decide dahil hindi pa raw siya handa.
Pero nang sinabi raw ng premyadong aktres na isipin na lang daw niya na para ito sa kanyang fans na gusto siyang makita na mag-perform, dito raw niya na-realize na tama ang nanay-nanayan sa showbiz at nagpasalamat sa pagtitiwala sa kanyang kakayanan.
Sabi naman ni Sylvia, hinintay talaga nila si JK na maging handa, na kung saan 2021 pa nila nililigawang pumayag.
Kuwento pa ng aktres, “tapos sinabihan ko siya, ‘oh, yung first concert mo, ako ang mag-produce ha, ‘pag hindi mag-aaway tao.’ “Sabi niya tita, isang hit pa, para kasing hindi pa siya kampante.
“Alam kong maraming gusto kumuha sa kanya, kaya pag ako hindi nag-produce, mag-aaway talaga kami. Parang may pananakot ako, at umokey naman siya, pag ready raw siya.”
Hanggang this year, si JK na mismo ang nagsabi na game na siyang mag-concert sa big venue.
Nakilala si Juan karlos dahil sa hit songs niya na “Demonyo” (2017), “Buwan,” (2018), at “Ere,” (2023). Sa edad na trese, nagsimulang magkapangalan si JK sa kanyang stint sa debut season of “The Voice PH Kids” noong 2014.
With the release of “Ere,” na nagtala ng 1.22 million streams in 24 hours and Humana ng history sa Spotify’s Global Chart, Google listed it as one of the most searched songs of 2023.
Patuloy siyang nag-dominate sa music industry, with 2.9 million monthly listeners on Spotify and a voice that pierces the souls.
“Music has been a part of my life. I enjoy making music because it allows me to convey what I want and express how I feel. As artists, we should constantly allow our vulnerability to shine through, connecting and sharing it with others,” pagbabahagi niya.
Karagdagan sa kanyang numerous musical accomplishments, kasama rito ang several PMPC and Awit Award recognitions. Bumida rin siya sa various ABS-CBN series, tulad ng “Hawak-Kamay” (2014), “Pangako Sa ‘Yo” (2015-16), “A Love To Last” (2017), “Senior High” at pati na sa spin-off, “High Street” (2023-24).
Pinamalas din singer-songwriter ang kanyang impressive performance sa Netflix original film na “Lolo And The Kid.”
Samantala, available ang natitirang tickets for “juan karlos Live” sa lahat ng SM Tickets outlets.
Nagkakahalaga ng SVIP Seated ng P8,500 (na may t-shirt, tote bag, a meet-and-greet photo opportunity, and signed poster) ang balitang sold-out na, kaya namumublema sina Ibyang, dahil marami pa ang gustong bumili at hindi nila alam kung saan ipupuwesto.
Ang VIP Seated ay P6,500 habang ang Floor Standing ay P3,000.
Super mura rin ng Lower Box A na P4,800, Lower Box B na P3,800, Upper Box na P1,500, at General Admission ay nagkakahalaga lang ng P750.
Ang concert at idi-direk ni Paolo Valenciano with Karel Honasan bilang musical director. Produced ito ng Nathan Studios with the support of Universal Music Group Philippines.
(ROHN ROMULO)
-
Balitaan sa Tinapayan
HINIMOK ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang mga tricycle driver na naghahanap-buhay sa pamamasada sa Maynila na ayusin na ang kanilang mga dokumento para sa pagkuha ng prangkisa ng ipinapasada nilang sasakyan. Sa kanyang pagdalo Biyernes ng umaga sa relaunching ng “Balitaan sa Tinapayan” na ginanap sa Tinapayan Festival Bakeshoppe sa kanto […]
-
PCCI-NCR inilunsad ang 2024 Metro Manila Business Conference
OPISYAL na inilunsad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – National Capital Region (PCCI-NCR) ang 2024 Metro Manila Business Conference (MMBC) na naglalayong ‘pagsamahin ang kalakalan, teknolohiya at turismo para sa sustainable transformation.’ Isinagawa ang paglulunsad sa ginanap na joint general membership meeting ng PCCI-NCR North Sector noong Miyerkules sa […]
-
Pinuri dahil kayang-kaya na gumawa ng action scenes: AJ, dedma na lang sa isyung ‘buntis’ at ‘di rin apektado ang ama na si JERIC
NAGTATANONG ang mga fans ni AJ Raval kung nagbabagong image na ba ng kanilang idol dahil nagulat sila after watching AJ sa Sitio Diablo. Hindi kasi inaasahan ng mga fans na sasabak ito sa matitinding action scenes sa bagong obra ng cult director na si Roman Perez, Jr. Pero in fairness kay AJ, […]