Solon sa commercials, manufacturing firms: Kolektahin at i-recycle ang plastic
- Published on February 15, 2020
- by @peoplesbalita
UPANG mabawasan ang plastic pollution sa bansa, isinusulong ng isang mambabatas na gawing mandato para sa mga commercial establishments at manufacturing firms na siyang mag-recover, kolektahin, i-recycle at i-dispose ang plastic waste at non-biodegradable materials.
Kapag naisabatasm ire-require ng House Bill 6180 na inihain ni Baguio City Rep. Mark Go ang mga commercial establishments tulad ng supermarkets, office buildings, malls, food chains at retail buildings na kolektahin at i-recover ang mga gamit na plastic mula sa kanilang customers, bago ibalik sa manufacturer oara sa maayos na disposal o recycling.
Nais ng mambabatas na mapanagot ang mga manufacturing companies at commercial establishments na gumagamit ng plastics at non-biodegradable materials sa pamamagitan ng pagsama sa kanilang corporate social responsibility ang collection and recovery ng used plastic.
Binanggit nito ang 10-year National Solid Waste Management Status Report mula sa Department of Environment and Natural Resources kung saan 38% ng solid waste ng bansa ay plastic na patuloy na tumaas pa.
Hinalimbawa nito ang “sachet phenomenon” sa bansa na dumagdag sa pagtaas ng bilang ng mga non-biodegradable na plastic na siyang bumabara sa mga kanal, waterways at kalat sa kalsada. (Ara Romero)
-
Deklarasyon ng WHO na nagbigay tuldok sa COVID-19 global health emergency
MAAARI nang muling pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang economic development ng bansa. Ito’y kasunod ng naging anunsyo ng World Health Organization (WHO) ukol sa hindi na isang global health emergency ang COVID-19. “With this development, we can now refocus our plans and priorities and train our size with renewed vigor, […]
-
Bumalik sa track ang Creamline, pinabagsak ang Troopers UAI-Army
Pinasigla ng Creamline ang opensa nito sa kahabaan upang talunin ang UAI-Army, 25-12, 25-18, 23-25, 25-23, at muling buuin ang ilang uri ng momentum para sa grand slam drive nito sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado. Nakabawi ang Cool Smashers mula sa maagang eight-point (2-10) deficit sa fourth […]
-
Tradisyunal na Traslacion babalik na sa Enero
PINAGHAHANDAAN ng organizers ng traditional na parada ng Itim na Nazareno sa taunang Traslacion. Sinabi ni Quiapo Church Parochial Vicar Father Jesus Madrid Jr na plano nilang lagyan ng glass case ang mahigit na 400-taon na imahe ng itim na Nazareno. Sa darating kasi na Enero 9 ay siyang pagbabalik ng […]