• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto ‘di lalaro sa Gilas sa Jordan at Indonesia

Hindi na makakapaglaro si Kai Zachary Sotto para sa Gilas Pilipinas na sasali sa dalawang torneo sa buwang ito at sa papasok sa magkaibang bansa.

 

 

Ito ay sa King Abdullah Cup 2021 sa Amman, Jordan sa Huly 26-Agosto 3, at sa 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 Final sa Jakarta, Indonesia sa Agosto 17-29.

 

 

Ipinabatid ng handler ng 19-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom  ang bagay sa Samahang basketbol ng Pilipinas Miyerkoles.

 

 

Idinahilan ang commitment na ni Sotto para sa Adelaide 36rs sa nalalapit na pagbubukas ng 44th National Basketball League-Australia 2021-22 sa Down Under.

 

 

Ang parehas na rason din ang nagpaliban sa basketbolista sa Gilas national training pool bubble camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup final.

 

 

Pa-Jordan ang national men’s basketball sa linggong ito na bubuuin nina Ange Kouame, Dwight Ramos, SJ Belangel, Isaac Go, RJ Abarrientos, Justine Baltazar, William Navarro, Mike Nieto, Carl Tamayo, Jordan Heading at Geo Chiu. (REC)

Other News
  • FACE SHIELD, POSIBLENG IBALIK

    POSIBLENG ibalik ang paggamit ng faceshield  bilang dagdag proteksyon laban sa bagong variant mula sa COVID-19.   Ang re-implementation ng polisiya  na nagre-require ng mandatory use ng faceshieds sa pampublikong lugar ay ikinokonsidera ngayon  ng National Task Force on coronavirus disease  (COVID-19)  sa gitna ng pagsulpot ng isa pang variant mula sa South Africa, ang […]

  • 10 pang ruta ng mga PUJs, binuksan sa Metro Manila; higit 1-K jeep, makikinabang

    Mahigit 16,000 na ngayon ang bilang ng mga public utility jeepneys (PUJs) ang balik kalsaa matapos nang payahan ng Land Trnasportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang 10 ruta dito sa Metro Manila.     Sa pagbubukas ng mga ruta aabot naman sa 1,006 na otorisadong jeepneys ang bibiyahe sa iba’t ibang ruta.   […]

  • Mayor Vico: Manatiling vigilante vs COVID-19

    Umaapela si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko na manatiling vigilante at patuloy na tumalima sa lahat ng health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan upang labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.     Ang apela ay ginawa ni Sotto sa kanyang social media accounts sa gitna na rin […]