Sotto mabilis makaagapay sa sistema ng Gilas
- Published on June 17, 2021
- by @peoplesbalita
Mabilis na nakaagapay si Kai Sotto sa sistema ng coaching staff na magandang indikasyon para sa Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers.
Mismong si Gilas Pilipinas assistant coach Jong Uichico na ang nagpatunay na mataas ang basketball knowledge ni Sotto.
Sinabi pa ni Uichico na hindi ito mahirap turuan dahil madali itong makapickup ng mga itinuturo sa kanya.
Pinatunayan ito ni Sotto sa kanyang unang pagsalang na kasama ang Gilas Pilipinas sa training.
Kailangan lamang ng ilang araw pang ensayo para lubos na makasama sa sistema ng Pinoy squad.
“For me, I don’t really find anything hard to learn. I think that’s one of my strengths. I’m a fast learner and fast to adjust. I need just a couple of days to learn all of Coach Tab’s system, plays, and schemes,” ani Sotto.
Nagiging madali ang lahat kay Sotto dahil kasama nito sa training si Gilas coaching staff member Sandy Arespacochaga na dating head coach ng Gilas Youth.
“It’s been easier since Coach Sandy has been on my side in the practices, helping me and telling me what I should or should not do. It’s been really good,” dagdag ni Sotto.
Bantay-sarado rin ang kundisyon ng katawan ni Sotto upang mas lalo pa itong lumakas sa loob ng court.
Masaya si Sotto na makasama nito ang Gilas Pilipinas na itinuturing nitong bagong pamilya. Kaya naman hindi naging mahirap ang adjustment para sa Pinoy cager.
-
Ads September 3, 2021
-
80 TO 90 PORSYENTO NANG TAPOS ANG MEDICAL CANNABIS ADVOCATES
NAGAWA na ng mga scientist, doktor, imbentor at celebrity ang 80 hanggang 90 porsyento ng kanilang adbokasiya para sa medikal na cannabis. Sa isang Media Health Forum sinabi ni Dr. Donnabelle Cunanan na “80 to 90 percent na po ang achievement ng medical cannabis advocacy at hindi na po pinag-uusapan kung gamot ang cannabis, marami […]
-
PBBM sa anti-poverty commission, alamin at kilalanin ang ‘problematic’ areas, makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya
KAAGAD na nagbigay ng kanyang marching order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) para alamin at kilalanin ang mga o identify ang “problematic” communities at makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino indigents. “‘Yung mga ibang lugar na talagang hindi makabangon dahil […]