Sotto magpapalakas pa!
- Published on September 6, 2022
- by @peoplesbalita
AMINADO si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na kailangan pa nitong magpalakas upang mas maging matagumpay sa mga susunod na laban na haharapin nito.
Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas na sumabak sa dalawang laro ng tropa sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Beirut at Manila.
Maganda naman ang ipinamalas nitong laro.
Subalit hindi kuntento ang 7-foot-3 cager.
Kaya naman tuloy lang ito sa ensayo para mas lalo pang mahasa ang kanyang talento.
“I have to be better. I never had a perfect game and I think I didn’t play good enough,” ani Sotto.
Nabigo si Sotto sa tangka nitong maging kauna-unahang purong Pinoy player na makapasok sa NBA.
Walang humugot kay Sotto sa 2022 edisyon ng NBA Annual Rookie Draft.
Ngunit hindi ito nawawalan ng pag-asa dahil may tsansa pa rin itong makapasok sa NBA sa tamang panahon.
Sa ngayon, balik sa Adelaide 36ers si Sotto para sa nakatakdang pagbubukas ng 2022-2023 season ng Australia National Basketball League (NBL).
Nakakuha rin si Sotto ng payo mula sa teammates nito partikular na kay NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz.
Naniniwala si Clarkson sa kakayahan ni Sotto na personal nitong nasilayang maglaro kasama ang Gilas Pilipinas sa fourth window ng qualifiers.
Kailangan lang aniya na huwag mawalan ng pag-asa si Sotto.
Sa halip, ipagpatuloy lamang ang pagsisikap nito para mas lalong mapalakas ang kanyang sarili sa paglalaro.
-
DSWD, bigong maipamahagi ang P1.9-B SAP subsidy – COA report
AABOT umano sa 1.9 billion ang halaga ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy ang bigong maipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga benepisaryo ng naturang ayuda base sa latest report mula sa Commission on Audit (COA). Sa 2021 annual audit report ng COA sa DSWD, nakasaad na ang […]
-
17 nadagdag na nasawi sa pandemya sa CAMANAVA
Labimpito ang nadagdag na binawian ng buhay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) dahil sa COVID-19 batay sa pinakahuling ulat ng mga City Health Offices ng mga nasabing lungsod at 4,272 naman ang active cases sa nasabing bahagi ng Kalakhang Maynila. Pito ang patay sa Valenzuela City hanggang 10 pm ng Marso 29 habang 846 ang […]
-
VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19
Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nagpositibo sa COVID-19. Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security. “I was all set […]