• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto nagningning para sa 36ers

MAS maganda ang inilaro ni Kai Sotto sa kanyang third game sa Adelaide 36ers.

 

 

Subalit hindi pa rin ito sapat para tulungan ang kanyang tropa matapos lasapin ng Adelaide ang 89-100 kabiguan sa kamay ng Illawarra sa 2021-22 Australia National Basketball League na ginanap sa WIN Entertainment Centre.

 

 

Nakalikom ang 7-foot-3 Pinoy cager ng 12 puntos tampok ang perpektong 8-of-8 sa freethrow line habang nagdagdag pa ito ng limang rebounds sa kanyang 13 minutong paglalaro.

 

 

Nanguna para sa 36ers si Sunday Dech na naglista ng 20 markers kabilang ang anim na three-pointers habang naglista naman si Todd Withers ng 15 points.

 

 

Nag-ambag pa si D­aniel Johnson ng 10 points at walong rebounds at si Cameron Bairstow ng walong puntos at 10 boards para sa Adelaide.

 

 

Nahulog ang Adelaide sa 3-5 marka.

 

 

Umangat naman ang Illawarra sa 5-3 baraha kung saan nagningning si Harry Froling na may 27 puntos kabilang ang walong triples.

 

 

Nagsumite pa si Tyler Harvey ng 19 markers habang naglista naman si Sam Froling ng 18 points para sa kanilang tropa.

 

 

Sunod na makakasagupa ng Adelaide ang Tasmania sa Biyernes.

Other News
  • Wish niya sa anak na maging tradisyon na ito: SMOKEY, ginawang makabuluhan ang first birthday ni KIKO

    GINAWANG mas makabuluhan ni Smokey Manaloto ang 1st birthday ng kanyang anak na si Kiko sa pagpapasaya ng mga bata sa isang bahay-ampunan sa Rizal.       Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang mga larawan sa birthday celebration ni Kiko na ginawa sa New Faith Family Children’s Home sa Cainta, Rizal.       […]

  • HINDI pa pala masisimulan ang movie na pagtatambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo.

    Inaayos pa raw ang final schedule. At dahil galing abroad si Alden, he needs  to stay in quarantine for 14 days to be sure dahil may bagong Covid-19 variant na naman.     Pero nag-uusap na raw ang Viva at ang GMA para sa gagawin teleserye ni Bea. Kailangan daw mag-coordinate sa schedule para sa gagawin […]

  • Aryna Sabalenka champion ng Women’s Australian Open

    Abot-langit pa rin ang kasiyahan ni Belarusan tennis star Aryna Sabalenka matapos na magkampeon ito sa Australian Open.   Tinalo niya kasi Elena Rybakina sa score 4-6, 6-3, 6-4 para makuha ang kampeonato.   Umabot sa dalawang oras, 28 minuto ang nasabing laro.   Ito ang unang Grand Slam Final ng fifth seed na si […]