Sotto No. 79 na sa mock draft
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
NASA No. 79 spot na si Kai Sotto sa inilabas na mock draft ng isang basketball website para sa 2022 edisyon ng NBA Rookie Draft na gaganapin sa Hunyo 23 sa Brooklyn, New York.
Ayon sa NBA Draft Room, malaki ang improvement ng 7-foot-3 Pinoy cager sapul nang maglaro ito sa iba’t ibang torneo.
Kabilang na rito ang pagsabak ni Sotto sa isang season ng Australia National Basketball League (NBL) kasama ang Adelaide.
Mas malakas at mabilis na ito kumpara sa mga nakalipas na laro nito kaya’t maituturing na itong handang-handa na sakaling makapasok ito sa NBA.
“Tall and smooth with an emerging game, Sotto has filled out his frame well over the past few years. He’s looking stronger and quicker and more like an NBA player,” ayon sa website ng NBA Draft Room.
Nangunguna sa listahan ng mock draft si Jabari Smith Jr. ng Auburn kasunod sina Chet Holmgren ng Gonzaga, Jaden Ivey ng Purdue, Paolo Banchero ng Duke at Keegan Murray ng Iowa.
Nauna nang nakapasok sa Top 50 si Sotto sa mga nakalipas na edisyon ng mock draft.
Target ni Sotto na maging kauna-unahang pure Pinoy na makakapasok sa NBA.
-
No regrets sa nangyari sa kanila: JENNIFER LOPEZ, nag-open up sa divorce nila ni BEN AFFLECK
ANG drag artist na taga-Santa Ana, Manila na si Maxie ang kinoronahan na Next Drag Superstar sa season 3 ng Drag Race Philippines. Sa naganap na finale, nakatapat ng three-time Ru Badge winner sa Lipsync for the Crown ay ang provincial queen na si Khianna of Cagayan de Oro. Ni-lipsync nila ang song […]
-
Ginanap sa Berkshire, England, United Kingdom: LOVI, kinasal na sa long-time boyfriend na si MONTY
KINASAL na si Lovi Poe sa kanyang long-time British boyfriend na si Montgomery “Monty” Blencowe noong August 26 sa Berkshire, England, United Kingdom. Isang romantic garden ang setting ng wedding nila Lovi at Monty na ginawa sa Cliveden House, isang storied landmark built in 1666 by the second Duke of Buckingham. […]
-
Ads December 1, 2021