SOUTH AFRICAN VARIANT, NATUKLASAN
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
MAY natuklasan na ring anim na B.1.351 variant o South Africa variant sa Department of Health (DOH), UP-Philippine Genome Center (UP-PGC), at UP-National Institutes of Health (UP-NIH).
Bukod dito karagdagang 30 B.1.1.7 variant (UK variant) kaso at dalawang karagdagang kaso ng mutation mula sa ika walong batch ng 350 samples na na-sequenced ng UP-PGC ang nadetect.
Sa kaso ng B.1.351 , sa ngayon mayroon ng 48 bansa na iniulat na may naitalang mga kaso.
Habang wala ebidensya na ang variant na ito ay nagdudulot ng severe disease, ang pattern ng mga mutasyon sa loob ng variant na ito ay nagmumungkahi ng mas mataas na transmissibility at maaaring magkaroon ng isang epekto sa pagiging epektibo ng bakuna.
Sa 6 na kaso ng South African variant , tatlo ang local cases at dalawa ang returning Overseas Filipinos (ROFs), at isa naman ay patuloy na biniberipika.
Iniulat naman taga Pasay ang tatlong local case na ang kanilang sample ay bakolekta sa pagitan ng January 27 at February 13, 2021.
Dalawa sa local cases ay 61 taong gulang na babae at 39 taong gulang na lalaki na mga aktibong kaso .
Ang pangatlong kaso ay isang 40 anyos na lalaki na nakarekober na.
Habang dumating naman sa bansa ang dalawang ROFs mula UAE kung kasalukuyang biniberipika ang kanilang estado.
Bukod dito kasalukuyan ding bineberipika ng DOH kung ang anim na kaso ay local cases o ROF. (GENE ADSUARA)
-
Vacation service credits ng mga guro, itinaas pa sa isang buwan
DINODOBLE pa ng Department of Education (DepEd) ang vacation service credits ng mga guro sa 30 araw. Ipinaliwanag ng ahensya ang mga service credit, kung saan nagbibigay-daan ito sa mga guro na i-offset ang mga pagliban dahil sa sakit o personal na dahilan, o upang mabawi ang mga bawas sa suweldo sa panahon […]
-
Federer nakatakdang isubasta ang mga personal na gamit nito
Nakatakdang isubasta ni tennis star Roger Federer ang ilang mga personal na gamit nito. Sinabi ng 20-times Grand Slam champion na bukod sa mga ginamit nito sa tennis ay mabibili rin ng kaniyang mga fans ang ilang personal na gamit nito. Gaganapin ang live auction sa Hunyo 23 na mayroon lamang […]
-
MMDA naniniwalang hindi kailangang ipatupad ang curfew sa NCR
NANINIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi na kailangang ipatupad ang curfew sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Abalos na ito ay dahil sa ang mga residente naman ng Metro Manila ay “self-regulating” sa gitna ng surge ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Paliwanag niya, dahil […]