• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

South China Sea, hindi dapat na maging ‘nexus for armed conflict’- PBBM

GINAMIT ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang pagdalo nito sa 42nd ASEAN Summit para muling ipanawagan ang maagang konklusyon ng Code of Conduct  (COC) sa South China Sea.

 

 

Sinabi ng Pangulo na hindi dapat maging “nexus”  ang rehiyon para sa armed conflict.

 

 

Sa  42nd ASEAN Summit Retreat Session,  ipinahayag ng Pangulo ang kanyang  commitment sa  pagpapatupad ng  Declaration of the Conduct of Parties sa South China Sea (DOC).

 

 

“We will continue to urge all to abide by the 1982 UNCLOS, as ‘the constitution of the oceans.’ We must ensure that the South China Sea does not become a nexus for armed conflict,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“We must avoid the ascendance of might and the aggressive revision of the international order. In an increasingly volatile world, we require constraints on power contained by the force of the rule of law,” ang pahayag ng Chief Executive.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo, ang rules-based regional architecture  ay dapat na  underpinned ng sentralidad ng regional bloc tungo sa  inclusive engagement sa  Indo-Pacific region.

 

 

Kailangan lamang aniya na matatag ang Pilipinas na panindigan ang karapatan nito sa ilalim ng  United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)  sa kabila ng patuloy na pagtatangka na tanggihan ang sovereign rights  ng bansa sa rehiyon.

 

 

Samantala, muli namang inulit ng Punong Ehekutibo ang kanyang panawagan na agarang pagpapatigil sa karahasan sa  Myanmar.

 

 

Sinabi nito na dapat lamang na ipatupad ang Five-Point Consensus.

 

 

“We continue to call on Myanmar to abide by and implement the Five-Point Consensus, and for our external partners to complement ASEAN’s efforts in the context of the Five-Point Consensus,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Nag-aalala rin ang Pangulo sa tensyon sa Korean Peninsula, tinukoy nito ang pangangailangan na “to abide by prevailing UN Security Council Resolutions and to engage in dialogue with concerned parties towards the denuclearization of the Korean Peninsula.”

 

 

Pagdating sa nagpapatuloy na hostility sa pagitan ng Russia at Ukraine, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga nababahalang bansa na maghanap ng  peaceful resolution sa nasabing labanan. (Daris Jose)

Other News
  • Tinatayang may 8,036 pamilya o 31,677 katao ang apektado ni Enteng sa Rizal province… PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagtugon sa mga lugar na tinamaan ni ENTENG

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes na panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng nasyonal at lokal na pamahalaan upang masiguro ang mabilis na distribusyon ng tulong sa mga residente na apektado ng Severe Tropical Storm Enteng.   “Continue the coordination between the national agencies and the LGUs with DENR, […]

  • Makikitang kasama si Sen. Chiz papuntang bookstore: HEART, ni-reveal na nag-aaral na magsalita ng French

    NI-REVEAL ni Heart Evangelista na nag-aaral siyang magsalita ng French.       Sa kanyang Tiktok video, pinost niya: “Today is my first day of school. School school-an, I am learning how to speak French.”       In the video, Heart was seen with her husband Senator Chiz Escudero driving to a bookstore. Heart […]

  • “The melody that fills my heart with joy…” MARIAN, pinaiyak ni DINGDONG sa sweet birthday message

    PINAIYAK pala ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang wife niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng beautiful words ng kanyang pagbati nang mag-celebrate ng 39th birthday ang aktres last Saturday, August 12.      Sa pamamagitan ng Instagram Reel pinakita ang sweet moments nila mula sa kanilang wedding, sa GMA Gala, their travels at […]