• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

South Korea dedesisyunan ng FIBA

DEDESISYUNAN ng International Basketball Federation (FIBA) ang ipapataw nito sa South Korea matapos itong mag-withdraw sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers.

 

 

Pormal nang natanggap ng FIBA ang sulat ng Korea Basketball Association (KBA) bilang paliwanag sa biglaan nitong pag-withdraw sa qualifiers na ginaganap sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

“FIBA was informed by Korea Basketball Association (KBA) of its decision not to travel to the Philippines to participate in the second window of the FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers,” ayon sa statement ng FIBA.

 

 

Matatandaang nagpasya ang KBA na lumiban sa qualifiers matapos magpositibo sa coronavirus di­sease (COVID-19) ang isa sa miyembro ng 12-man lineup nito.

 

 

Nakatakda sanang makaharap ng South Korea ang Gilas Pilipinas ng dalawang beses habang makakalaban din sana nito ang India at New Zealand.

 

 

Inaasahang maglalabas ng desisyon ang FIBA sa mga susunod na araw matapos ang deliberasyon nito.

 

 

Dalawa ang posibleng maging kahinatnan ng desisyon ng FIBA — ang ma-forfeit ang apat na laro ng South Korea o ire-schedule na lamang ito sa third window ng qualifiers sa Hunyo.

Other News
  • Tuloy na tuloy kahit may pandemya: SHARON, CHARO, DANIEL, CHRISTIAN at DINGDONG, ilang lang sa maglalaban-laban sa GEMS Awards

    KAHIT na may pandemya, hindi nagpatinag ang GEMS – Hiyas ng Sining sa pagbibigay ng award.     Headed by Mr. Norman Llaguno, inilabas na GEMS ang mga nominado sa iba’t-ibang kategorya.     Virtual awarding lang muli dahil sa lockdown na naman tayo sa NCR although ang plano sana nila ay live awarding. Magaganap […]

  • Presidential Adviser for Creative Communication Paul Soriano, 3 opisyal ng Comelec, nanumpa sa tungkulin sa harap ni PBBM

    OPISYAL nang nanumpa ngayon sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang direktor at film producer na si Paul Soriano na itinalaga  bilang Presidential Adviser for Creative Communication.     Kasama ni Soriano ang kanyang asawa na si Toni Gonzaga at anak na si Severiano Elliott Gonzaga Soriano.     HIndi naman lingid sa kaalaman […]

  • Para maranasan ang ‘hospitality’ ng mga pinoy: mamamayan ng Czech, niligawan ni PBBM na bumisita sa Pinas,

    NILIGAWAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga mamamayan ng Czech Republic na bisitahin ang Pilipinas at maranasan ang hospitality o kagandahang-loob ng mga filipino. Sa kanyang bilateral meeting kasama si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, binanggit ni Pangulong Marcos ang regional airports na na-develop at upgraded para itaas ang accessibility sa mga local […]