• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

South Korea, nag-alok na i- rehabilitate ang Bataan Nuclear Power Plant-Research institute

DAPAT na ikunsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang alok ng South Korea na i-rehabilitate o ayusin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), na makatutulong na mapalakas ang power capacity ng bansa.

 

 

Sinabi ni Philippine Nuclear Research Institute Director Carlo Arcilla na ang alok ng South Korea na i-rehabilitate ang planta ay nagkakahalaga ng $1 billion.

 

 

“Dapat pag-isipan natin kung seryoso ang offer ng South Korea kasi they have credibility,” ani Arcilla

 

 

Sinabi pa niya na karamihan sa nuclear power plants ng South Korea ay magkakapareho ng edad bilang BNPP at nabawi nila ang kanilang nagastos sa pagpapatayo sa loob lamang ng anim na taon.

 

 

Subalit bago pa aniya pumayag sa panukala ng Seoul, umapela si Arcilla sa mga mambabatas na amiyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) lalo pa’t pinagbabawalan ng batas ang pamahalaan na ariin ang power generating units.

 

 

“Isang legal roadblock ‘yan kasi kung gobyerno ang may-ari, hindi na pwedeng mag-generate ng power. Dapat i-modify ang EPIRA law,” ayon kay Arcilla.

 

 

Tiniyak naman ng PNRI director na sa oras na magbigay ang pamahalaan ng “green light” para i-operate ang BNPP, susundin nito ang international standards at sasailalim sa masusing safety inspection para mapigilan ang posibleng nuclear disasters.

 

 

“BNPP can only generate more than 600 megawatts of electricity and not enough to significantly contribute to our power needs, but he said we should start considering harnessing nuclear energy since the country’s main sources of fuel, like the Malampaya field, will run out of gas in the next few years,” ayon kay Arcilla.

 

 

Ang alok ng South Korea ay matapos na magpalabas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng  Executive Order 164  na “establishing a nuclear energy program to expand the country’s power sources.”

 

 

“The mothballed BNPP is the country’s only nuclear power plant. It was constructed during the administration of the late dictator Ferdinand Marcos, Jr.,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

Other News
  • Inuman nauwi sa madugo, 1 dedo

    NAUWI sa madugo ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang trabahador nang humantong sa patayan ang pag-aaway ng dalawa niyang bisitang kapuwa kasamahan sa trabaho sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak sa leeg, ulo at mukha ang biktimang si Arnel Dante, 44, habang nadakip naman ng mga barangay […]

  • Aby Marano nagretiro na sa paglalaro

    Tuluyan ng nagretiro sa paglalaro sa national volleyball team si Aby Marano.   Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo ng 30-anyos na dating De La Salle Lady Spiker ang tuluyan nitong pagreretiro.   Pinasalamatan nito ang kaniyang mga nakasama sa koponan at mga fans na sumubaybay sa kanilang laban.   Taong 2018 ng maging […]

  • ‘Face unlock, fingerprint biometrics’ posibleng gawing requirements sa pagboto

    NAGPAHAYAG  ng kahandaan ang Commission on Elections (Comelec) na posibleng gawing requirements sa mga susunod na eleksyon ang ‘face unlock at fingerprint biometric features’ para makaboto ang isang botante.     Inihayag ito ni Comelec Commissioner George Garcia makaraang ipanukala ni Vice President Sara Duterte na isama ang naturang mga biometrics na mga security features […]