South Korea, No. 2 sa COVID-19
- Published on February 24, 2020
- by @peoplesbalita
Umakyat na sa 156 ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (COVID-19) sa South Korea.
Nadagdagan pa ng 52 ang kumpirmadong kaso ng virus, ayon sa naitalang record nila.
Bunsod nito, ang South Korea ang itinuturing na pinakagrabeng tinamaan ng virus sa labas ng China.
Iniuugnay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 infected sa mga pagtitipon ng Shincheonji Church of Jesus sa southern city ng Daegu.
Mahigit 80 miyembro na ng Shincheonji ang infected, na nagmula sa isang 61-anyos na babae na nagkaroon ng lagnat noong Pebrero 10.
Nangangamba si Daegu Mayor Seo Dong-min na sa dami ng kumpirmadong kaso sa kanila ay maging ikalawang Wuhan na sila, na siyang sentro ng virus outbreak sa China.
Pinayuhan niya ang mga residente na laging magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.
-
Light Rail Transit Line 1, magkaroon ng special train schedule sa Christmas at New Year’s Eve
INANUNSIYO ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) ang implementasyon ng special operating hours sa Christmas Eve at New Year’s Eve bilang paggunita sa nalalapit na holidays. Sa advisory, inihayag ng LRT-1 operator na sa Disyembre 24, Christmas Eve ang huling train service sa Baclaran […]
-
Minimum wage policy, pinarerepaso
NAGHAIN ng resolusyon si Sen. Raffy Tulfo para rebyuhin ang kasalukuyang polisiya ng gobyerno sa minimum wage increase para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa, partikular na ang mga nasa lower income bracket. Sa Senate Resolution No. 476, sinabi ni Tulfo na tila hindi sapat ang minimum wage increase noong nakaraang […]
-
Lim, iba pang karatekas gagawin lahat para makapasok sa Tokyo Olympics
Para kay national karateka Jamie Lim, ito na ang pinakahuling tsansa niyang makapaglaro sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan. Kaya naman lahat ay kanyang gagawin para manalo sa lalahukang Olympic qualifying tournament sa Hunyo sa Paris. “Everyone wants to be part of the Olympics, and this is really the last […]