Spa sa QC na pinuntahan ng unang Mpox case sa bansa, ipinasara
- Published on August 24, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ng Quezon City Government ang agarang pagpapasara ng AED Infinity Wellness Spa matapos matuklasan na galing dito ang unang pasyente ng MPOX sa bansa.
Dagdag pa riyan ay nadiskubre rin ng Quezon City Government na walang kaukulang business permit ang naturang establisimyento.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bukod sa wala silang business permit, wala rin silang mga kinakailangang Ancillary Permits tulad ng Sanitary Permit, Environmental Clearance at Fire Inspection Certificate.
Paliwanag pa ng alkalde, illegal silang nag-o-operate, kaya mataas din ang tsansa na may iba pang illegal na ginagawa doon.
Aayudahan naman ng lokal na pamahalaan ang mga empleyado ng nasabing Spa na pawang mga residente din ng lungsod.
Kaugnay nito, nananawagan si Mayor Belmonte sa mga nasa fun and leisure industry na sumunod sa patakaran at kumuha ng kaukulang mga permit, clearance at certificate na mula sa lokal na pamahalaan.
Inanunsyo rin ni Belmonte na otomatikong isasama na sa Quezon City Card ang Health Clearance upang maging mas maayos ang sistema. (PAUL JOHN REYES)
-
Sinampahan ng kaso ni Sandro, may apela sa publiko: NIÑO, humihingi ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta
MATAPOS na isiwalat ng GMA sa kanilang official statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach są network laban kina Jojo Nones at Richard Cruz na hindi na idinetalye ang nilalaman nito, ay pinarating ang abogado ng daalwang independent contractors. Ayon kay Atty. Garduque, na iniulat ng “24 Oras” noong […]
-
PBBM, masayang ibinahagi ang naging kontribusyon para mapapayag ang gobyerno ng Indonesia na pauwiin si Veloso sa Pilipinas
MASAYANG ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagawa ng kanyang administrasyon para mapalitan at mapababa ang sentensiya ni Mary Jane Veloso, ang Pilipinang nasa death row ng Indonesia dahil sa drug trafficking. Si Veloso ay nahatulan ng kamatayan sa bansang Indonesia matapos na mahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin sa Indonesia noong […]
-
NAVOTAS LUMAGDA SA MOU PARA SA MAKABATA HELPLINE
PUMASOK sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod. Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding kasama si CWC undersecretary Angelo M. Tapales. Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod […]