• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sparkle artist na ang kilalang ‘Bangus Girl’: Social media star na si MAY ANN, mas excited kesa ma-pressure sa first GMA series na ‘MAKA’

MAY pressure mang nararamdaman pero mas excited ang social media star na si May Ann Basa o mas kilala bilang “Bangus Girl” para sa kauna-unahan niyang serye sa GMA, ang MAKA.

Sa Gen Z series na MAKA, makakasama ni May Ann ang kapwa niya Sparkle artists na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, at Chanty Videla. Makakatrabaho rin niya ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

 

 

 

 

 

 

Excited nga si May Ann para sa unang teen show niya sa GMA: “Ang role ko po rito sa ‘MAKA’ ay isang tindera sa palengke at basher. Grabe, I’m so excited po mga Kapuso kasi ito po ‘yung first series ko rito sa GMA so dapat abangan n’yo po talaga.

 

 

 

“Kasi ‘yung mga kasama ko rito medyo matagal na rin sila sa industry so hopefully na matutunan ko ‘yung na-learn nila rito.”

 

 

 

Isang social media sensation si Mary Ann at nakilala siya as Bangus Girl dahil sa mga videos niya na naglilinis at nagbebenta ng isdang Bangus sa isang palengke sa Roxas City. Maraming netizens ang naka-relate sa kanyang pagiging masipag para maitaguyod ang kanyang pamilya.

 

 

 

Meron siyang 1.4 million followers sa TikTok.

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW sa edad na 88 noong nakaraang August 18 ang tinaguriang America’s “King of Talk Shows” na si Phil Donahue.

 

 

 

Sumikat si Phil dahil sa talk show niya na The Phil Donahue Show na umere for 26 years. Sa naturang show niya nakilala ang kanyang wife of 44 years, ang aktres na si Marlo Thomas.

 

 

 

Naging inspirasyon ang show ni Phil kung bakit nagkaroon ng sariling talk shows sina Oprah Winfrey at Sally Jessy Raphael.

 

 

 

“Donahue rose to national prominence for its compelling guests and its pioneering, open-forum interview style, where audience members could ask questions of the guest and fans could call in to the show.

 

 

 

“It prompted conversations around fringe figures, like Ku Klux Klansman David Duke, whom he interviewed in 1978,” ayon sa People.

 

 

 

Nagwagi si Donahue ng 20 Emmy Awards para sa kanyang talk show and in 1992, the Television Academy inducted him into its Hall of Fame. Pinarangalan din siya ng Peabody Award in 1980.

 

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

Other News
  • Babala sa mga supermarkets: “You’re next”

    BINALAAN ni House QuintaComm CoChair Joey Sarte Salceda (Albay) ang mga supermarkets at malalaking retailers ng bigas na sisilipin din ng five-committee House panel on cheaper food prices ang posibilidad ng price manipulation at profiteering sa malalaking big retailer level.       “I am warning supermarkets and big groceries. We have received reports that […]

  • Warehouse raid, pinaigting pa ng BOC

    KASUNOD  ng marching order mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin pa ng Bureau of Customs (BOC) ang operasyon laban sa rice smugglers at hoarders.     Ito ay matapos ang kanilang pagkakasabat sa tinatayang P519 milyon halaga ng hinihinalang puslit na bigas sa ilang bodega sa lalawigan ng Bulacan.     Ayon kay […]

  • Quo warranto vs ABS-CBN, sa Marso 10 pa aaksyunan – SC

    IPINAGPALIBAN ng Supreme Court (SC) ang pag-aksiyon sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida laban sa ABS-CBN franchise.   Pasok sa agenda ng En Banc session kahapon (Miyerkules), ang quo warranto at gag order petitios ng SolGen laban sa Kapamilya Network pero batay sa mapagkakatiwalaang source sa Korte Suprema, ipinagpaliban […]