• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Ferdinand Martin Romualdez pinuri ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura sa kahilingan ni Teves

PINURI  ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura nito sa kahilingan ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na political asylum sa nasabing bansa.

 

 

Sa pagtanggi na ito ng naturang bansa, muling nanawagan ang speaker kay Teves na umuwi na ng Pilipinas, ayusin ang kanyang suspensiyon sa Kamara at harapin ang kasong kinakaharap kaugnay sa pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo nitong nakaliaps na Marso.

 

 

“Sana naman umuwi na si Cong. Arnie Teves para magiging moot na ‘yung suspension at gusto talaga nating bumalik siya at humarap talaga sa mga charges sa kanya,” ani Romualdez.

 

 

Inihayag pa ni Romualdez na baka may panibagong rekomendasyon na parusa na ibigay ang House Committee on Ethics kung hindi pa rin umuwi ng bansa si Teves.

 

 

Kasalukuyang nasa Indonesia ang lider ng kamara bilang bahagi na rin ng delegasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa isinasagawang summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang Timor-Leste ay isang observer country sa ASEAN.

 

 

Matatandang sinuspinde ng Kamara si Teves ng 60 araw matapos mabigong umuwi ng Pilipinas at harapin ang Ethics Committee sa kabila na expire na ang kanyang travel authority.

 

 

Dahil suspendido ang mambabatas ay wala na umano itong rights o mga privileges sa Kongreso.

 

 

“The rights, privileges and immunities of a congressman are for the discharge of the legislative functions that he has, to make sure that he can perform as a legislator in the service of his constituents. Those rights, those privileges and those immunities are not meant for congressmen to use it to evade or to avoid justice,” pagtatapos ni Romualdez. (Ara Romero)

Other News
  • Ads February 6, 2024

  • Halos 15-K vehicles, nadagdag sa mga lansangan ng NCR nang mag-umpisa ang Disyembre – MMDA

    INIULAT ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagkakadagdag ng 10,000 hanggang 15,000 na mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila, simula nag-umpisa ang buwan ng Disyembre batay sa regular monitoring ng ahensiya.     Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Director Victor Nuñez, ito ang pangunahing dahilan ng mga traffic buildup sa iba’t-ibang mga […]

  • Pinoy boxer Michael Dasmariñas todo na ang ensayo sa ilalim ni Freddie Roach

    Agad na sinimulan ni Filipino boxer Michael Dasmariñas ang kaniyang ensayo sa ilalim ni trainer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.     Nasa huling yugto na kasi ng kaniyang paghahanda ang Filipino boxer para sa laban niya kay IBF at WBA Super World bantamweight champion Naoya Inoue na gaganapin sa […]