Speaker Romualdez idinepensa ang Kamara laban sa mga kritiko
- Published on November 8, 2023
- by @peoplesbalita
“WALANG personalan, trabaho lang,” ito ang naging pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez laban sa mga kritiko, pagbabanta, at pananakot saan man ito nanggaling.
Sa kanyang talumpati sa muling pagbubukas ng sesyon, tinuligsa ni Romualdez ang iilan na ang intensyon ay lumikha umano ng pagkakawatak-watak ng bansa.
“Tatayo ako laban sa sinuman na mananakot sa atin para masunod lamang ang gusto nila. Titindig ako – tayong lahat – para sa kapakanan ng bayan. Nagkakaiba man tayo ng pananaw at paniniwala, nagkakaisa tayong tumitindig kung intaatake ang ating institusyon. Hindi rin natin papayagan ang sinuman na pigilan tayo sa paggampan ng ating mandato sa ating mga kababayan,” ani Speaker.
Sinabi pa nito na bagama’t ang Kamara ay mayroong mga miyembro na nanggaling mula sa iba’t ibang grupo, isinasantabi umano ang mga pagkakaibang ito upang ipagtanggol ang institusyon at miyembro nito laban sa mapagsamantalang motibo na nais lamang alisin ang kanilang atensyon sa pagganap ng kanilang mandato.
Binigyan-diin ni Romualdez na ginamit ng Kamara ang kapangyarihan nito ng ilipat ang bahagi ng panukalang budget para sa susunod na taon sa mga proyekto at programa na sa tingin nito ay mas kinakailangang mapondohan.
Sinabi ni Speaker na ginagawa lamang ng mga miyembro ng Kamara ang kanilang trabaho.
Ayon kay Romualdez, handa siyang tumayo upang ipaglaban ang aksyon at desisyon ng Kamara kaninuman.
Idinagdag nito na sa kabila ng mga nagawa ng Kamara ay mayroon pa ring mga sektor o indibidwal na hindi nasisiyahan dahil iba ang kanilang prayoridad kaya kanilang sinisiraan ang institusyon.
Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa kanyang mga kasamahan sa kanilang pagpupunyagi kaya maganda ang pagtingin ngayon sa Kamara.
Patunay umano rito ang mataas na rating na kanyang nakuha sa OCTA Research survey na mula 38 porsyento noong 2022 ay umakyat sa 60 porsyento ang kanyang trust rating sa survey noong Oktobre 2023.
Tumaas din ang performance rating ni Romualdez na mula 44% noong 2022 ay naging 61% sa survey noong Oktobre.
Ang rating na nakuha ni Speaker noong Oktobre ay mas mataas din ng tig-6% kumpara sa resulta ng survey noong Hulyo.
Ang resulta ng survey, ayon sa lider ng Kamara ay pagpapakita na tama ang direksyong tinatahak ng Kamara.
Naalala rin ni Romualdez ang kanyang pangako noong siya ay nanalong Speaker na isusulong ang parehas na distribusyon ng resources ng gobyerno saang partido man ito nanggaling.
Sinabi pa ni Speaker na marapat na hayaan ang mga nagawa ng Kamara upang maipakita ang loyalty nito sa bansa, Konstitusyon, at mga Pilipino. (Ara Romero)
-
‘The Big One’, dapat ¬paghandaan – Romualdez
IGINIIT ni House Speaker Martin Romualdez na dapat paghandaan ng pamahalaan, lalo na ang mga firts responders, sakaling tumama ang malakas na lindol o tinatawag na “The Big One” sa bansa, lalo na sa Metro Manila. Ayon sa mga eksperto, libu-libo ang magiging biktima ng nasabing lindol tulad ng nangyari sa Turkey at […]
-
ERC, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng WESM para pagilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente
PANSAMANTALANG sinuspinde ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa ilalim ng deklarasyon na red alert ng systems operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). “Dahil sa matinding init, tumataas ang konsumo ng kuryente na nakakadagdag sa pag-akyat ng presyo,” ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos […]
-
Administrasyong Marcos, pinakikilos sa laganap na extra-judicial killings sa bansa
PATULOY ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa paghahanap ng katarungan ng mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa. Ito ang ibinahagi ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa katatapos na pagsusuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa human rights record ng Pilipinas. […]