Speaker Romualdez: Kamara papanagutin mga opisyal na mali paggamit ng pondo ng bayan
- Published on September 18, 2024
- by @peoplesbalita
NAGBABALA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga opisyal ng gobyerno na hindi kukunsintihin ng kamara ang maling paggamit ng pondo ng bayan.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng deliberasyon ng plenaryo sa panukalang P6.352 trilyong national budget nitong Lunes, iginiit ni Speaker Romualdez na hindi palalagpasin ng Kamara ang pagmamaliit sa trabaho nitong bantayan ang badyet ng gobyerno upang matakasan ang kanilang pananagutan sa maling paggamit ng pondo.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sa mahabang panahon ay sinusuri ng Kamara ang panukalang badyet upang matiyak na nakalinya ito sa prayoridad ng national government at para sa kapakanan ng mga Pilipino at hindi para sa pansariling kapakinabangan.
Tiniyak ng Speaker sa publiko na mananatiling walang kompromiso ang Kamara sa pagtatanggol nito sa mabuting pamamahala, pananagutan sa pananalapi, at pagbibigay proteksyon sa pera ng mga nagbabayad ng buwis. Nilinaw niya na walang indibidwal o espesyal na interes ang bibigyan ng hindi nararapat na pabor o konsiderasyon.
Kinilala rin ni Romualdez ang kanyang mga kapwa mambabatas sa pagbabantay sa pondo ng bayan at sinabihan ng mga ito na ang kanilang prayoridad ay ang sambayanang Pilipino at ang matiyak na tamang paglalaan ng pondo at matiyak na hindi ito naaabuso.
Iginiit ni Speaker na ang polisiya sa pagba-badyet ay para maabot ang fscal discipline nang natutugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Sa pagbubukas ng debate sa plenaryo ng panukalang 2025 badyet, hinamon ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng Kamara na magtrabaho ng mayroong kumpiyansa at may pagmamadali upang maipasa ito sa tamang oras. (Vina de Guzman)
-
Big factor ang communication sa relationship: MIGUEL, gabi-gabing tinatawagan si YSABEL noong nasa South Korea
GABI-GABING kausap ni Miguel Tanfelix si Ysabel Ortega kahit nasa South Korea siya ng forty three days para sa shoot ng ‘Running Man Philippines Season 2. Lahad ni Miguel, “Iyon naman po yung compromise naming dalawa since forty three days ako sa Korea. “Parang every night, tinatawagan ko siya, talked about our […]
-
Ads October 27, 2021
-
Dating VP Leni Robredo, pinaalalahanan ang publiko hinggil sa kumakalat na ‘fake number’ na humihingi ng donasyon
PINAALALAHANAN ni dating Vice President Leni Robredo ang publiko hinggil sa kumakalat na fake number na humihingi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Kristine. Ayon kay Robredo, isa lang ang kanyang personal na numero at hindi rin siya gumagamit ng messenger. Nilinaw din ng dating pangalawang pangulo na ang kanilang Angat […]