• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez, Tingog Party-list, DSWD sanib-puwersa sa pagtulong mga drayber, estudyante sa Bulacan

PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa may 2,000 drayber at mag-aaral sa Bulacan nitong Miyerkules.

 

 

Ang pamimigay ng tulong ay natupad sa tulong ni Pangulong Bongbong Marcos na makapagbigay ng magandang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian, dating kinatawan at alkalde ng Valenzuela City.

 

 

Mismong si Speaker Romualdez, at kanyang may-bahay na si Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, ang namahagi ng tig P5,000 tulong sa may 1,000 kwalipikadong miyembro ng Jeepney Operator at Drivers Association, at 1,000 estudyante.

 

 

Isinagawa ang AICS payout sa Valencia Hall ng Bulacan State University.

 

 

Nagpahayag naman si Speaker Romualdez ng paghanga sa Tingog sa pagpapakita nito na buhay pa ang Bayanihan sa mga Pilipino.

 

 

Samantala, nagsilbi namang panauhing pandangal si Romualdez sa pagbubukas ng Alagang Tingog Center (ATC) sa unang Distrito ng Bulacan.

 

 

Ikinalugod ng House Speaker na buhay at nananatili pa rin sa mga Pilipino ang pagkakaisa, paglilingkod at pagkahabag anuman ang estado sa buhay.

 

 

Naaayon din aniya sa direktiba ni Pangulong Marcos na palawakin at gawing madali ang pagpapaabot ng serbisyo ng gobyerno sa publiko ang pagtatayo ng ATC.

 

 

Aniya ang dedikasyon ng dalawang kinatawan ng Tingog ay nagpapatunay na malayo ang mararating kapag pinagsama ang isip at puso para mapaganda ang mga komunidad.

 

 

“The inauguration of the ATC is not just a celebration of a new building, but a celebration of hope, unity, and progress. Let this day mark the beginning of an era where the people of Bulacan, and the entire nation, feel more connected, heard, and cared for,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.  (Ara Romero)

Other News
  • Finnish envoy, pinasalamatan si PBBM sa muling pagbubukas ng PH embassy sa Helsinki

    PINASALAMATAN ni Outgoing Finnish Ambassador Juha Markus Pyykkö si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa muling pagbubukas ng Philippine embassy sa Helsinki, Finland ngayong taon.     Sa kanyang farewell call kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, nagpahayag ng matinding kagalakan si Pyykkö sa muling pagbubukas ng Philippine Embassy sa […]

  • 6 Para athletes lalaban sa gold

    Ipinangako ng anim na miyembro ng Team Philippines na ibibigay ang lahat ng kanilang makakaya para makamit ang kauna-unahang gold medal sa Paralympic Games.     Sasabak sina powerlifter Achelle Guion (powerlifting), taekwondo jin Allain Ganapin (taekwondo), Jerrold Mangliwan at Jeanette Aceveda (athletics), Ernie Gawilan at Gary Bejino (swimming) sa Paralympics sa Tokyo, Japan sa […]

  • ‘Very rare adverse effect’: AstraZeneca vaccine, ligtas pa rin iturok sa mga Pilipino – FDA

    Nanindigan ang Food and Drug Administration (FDA) na ligtas pa rin ang COVID-19 vaccine ng kompanyang AstraZeneca.     Ito ay sa kabila ng desisyon na pansamantalang pagsususpinde sa paggamit ng naturang bakuna.     “It’s (still) a useful vaccine,” ani FDA director general Eric Domingo.     Nitong Miyerkules nang kilalanin ng European Medicines […]