• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez tiwala na maiangat ang NAIA bilang “world-class” standards

NANINIWALA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang paglagda sa P170.6 billion Public Private Partnership concession agreement ay lalong magpapa-angat sa antas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maging isang “world-class” standard na paliparan.
Sinabi ni Speaker Romualdez malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa kapag mapapabuti ang mga pasilidad sa loob ng paliparan, magpapalakas din ito sa turismo at maging sa ekonomiya at magpapaigting sa connectivity sa global markets.
Sinamahan ni Speaker Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Executive Secretary Lucas Bersamin para tunghayan ang paglagda sa PPP agreement nina SMC President at CEO Ramon Ang, Transportation Secretary Jaime Bautista, at Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines.
Pinuri naman ni Romualdez ang magandang collaborative efforts ng administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. at ng private sector stakeholders sa pagsusulong ng mga mahahalagang proyekto.
Binigyang-diin ni Speaker na ang rehabilitation at operation ng NAIA sa ilalim ng PPP framework ay nagpapakita sa hindi natitinag na commitment ng Pangulong Marcos sa pagtataguyod ng napapanatiling paglago sa transportation infrastructure. (Daris Jose)
Other News
  • Pinakilala na si Carla sa buong pamilya sa Amerika: WIL, nagsalita na tungkol sa pagkaka-engage ng ex-gf na si ALODIA

    OPEN na ang ‘Lolong’ actress na si Arra San Agustin sa kanyang relasyon sa PBA player na si Juami Tiongson.     Si Juami ang naging date ni Arra sa naganap na GMA Thanksgiving Gala. Iyon daw ang first time na makita silang dalawa sa isang public event.     Sey ni Arra sa relasyon […]

  • Pinas, target ng China na tulungan na mapahusay ang internet speed

    UPANG mas mapalakas pa ang “connectivity” sa mga Filipino, target ng China na tulungan ang Pilipinas na mapahusay ang internet speed nito.     Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, pinag-usapan ng Pilipinas at China ang apat na mahahalagang aspeto ng kooperasyon gaya ng agrikultura, imprastraktura, enerhiya at people to people ties. […]

  • DERRICK, naghintay ng magandang timing at nanggulat sa underwear pictorial

    NOON pa hiling ng mga beki na gawing endorser ng Bench Body underwear si Derrick Monasterio dahil sayang daw yung ganda ng katawan nito kung ang ini-endorse niya ay t-shirt, jacket at jeans.     Naunahan pa raw si Derrick nina Paul Salas at Gil Cuerva na mag-underwear sa pictorial eh mas maganda raw ang katawan niya. […]