• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez tiwalang maibibida ng PBBM ang Pilipinas bilang investment hub sa World Economic Forum

KUMPIYANSA si House Speaker Martin Romualdez na magiging produktibo ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa World Economic Forum (WEF) sa Davos Switzerland.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez, pagkakataon ito na maibida ng pangulo ang mga napagtagumpayan ng Marcos administration, at maibida ang Pilipinas bilang investment destinations at maipaliwanag din ang Maharlika investment fund.

 

 

Kumpiyansa si Romualdez, na hindi mahihirapan ang chief executive na ibahagi ang mga economic gain ng bansa at iba pang plano nito, dahil sa mga nakaraang global fora na dinaluhan niya ay malinaw nitong nailahad ang posisyon ng Pilipinas sa iba’t ibang isyu.

 

 

Si speaker Romualdez ang naging susi sa pagtatagpo ni Pangulong Marcos Jr. at WEF founder Dr. Klauss Schwab sa sidelines ng Association of Southeast Asean Nations (ASEAN) Summits, na ginanap sa Cambodia.

 

 

Dito kasi personal na inimbitahan ni Schwab ang Pangulo na dumalo sa World Economic Forum.

 

 

Maliban sa mahigit 50 heads of state, kabilang sa mga dadalo sa naturang pulong ang mga kilalang business leader sa buong mundo.

 

 

Kung maalala pinagtibay ng House of Representatives noong December 16, 2022 House Bill (HB) No. 6608, na bumubuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill kung saan overwhelming ang boto mula sa mga mambabatas.

 

 

Si Romualdez, ang principal author ng nasabing measure at tiniyak na may sapat na safeguards ito.

 

 

Samantala, Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang luncheon meeting sa Switzerland na walang pinapanigan at kinikilingan ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa kasalukuyang mga geopolitikal tensions.

 

 

Sa kanyang talumpati, ipinaabot din ni Pangulong BongBong Marcos Jr ang pasasalamat sa pribadong sektor na isang mahalagang bahagi sa pagpapalakas ng ekonomiya at pagbangon ng bansa mula sa pandemya.

 

 

Binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang public- private partnership sa paglago ng isang bansa.

 

 

Pito sa pinakamalalaking business tycoon sa bansa ang kasama sa delegasyon ng Pilipinas sa Davos, Switzerland upang bigyang suporta si Pangulong Marcos Jr sa kaniyang unang pagdalo sa 2023 Annual Meeting of the World Economic Forum (WEF). (Daris Jose)

Other News
  • Tsina, ayaw tanggapin ang ‘unilateral’ claim ng Pinas sa UN ukol sa ‘extended continental shelf’

    AYAW tanggapin ng Tsina ang pagsusumite ng Pilipinas sa United Nations (UN) body ng kahilingan na palawakin ang continental shelf nito sa West Philippine Sea para “explore and exploit” ang mga likas na yaman doon.     Sa isang press conference, araw ng Lunes, Hunyo 17, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian na […]

  • P88.56 billion dividends na ni-remit ng GOCC, makatutulong sa buhay ng mga Filipino-PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makatutulong ng malaki ang ni-remit na P88.56 billion dividends ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) para mapabuti ang buhay ng mga Filipino.     Nito lamang kasing May 3, nag-remit ang GOCCs ng nasabing halaga sa kaban ng bayan.     Kumpiyansa naman ang Pangulo na ang […]

  • Sa pamamagitan ng two new vlogs: Senator IMEE, sasalubungin ang ‘Year of the Water Rabbit’

    IPAGDIRIWANG ni Senadora Imee Marcos ang Year of the Water Rabbit sa dalawang bagong vlogs na libreng mapapanood ngayong weekend sa kanyang official YouTube channel.     Sa Enero 21, Sabado, ipasisilip ni Imee ang kanyang mga subscribers sa katatapos lamang na kanyang pagbisita sa Tsina kasama ang Pangulong Bongbong Marcos kung saan nakipagpulong sila […]