Special participation sa MUPH, ‘di rin alam… CATRIONA, nag-react sa Q&A na sana mas hinirapan
- Published on May 2, 2022
- by @peoplesbalita
MARAMI talaga ang nalungkot na wala sa coronation night si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Miss Universe Philippines 2022 na ginanap noong Sabado, April 30 sa SM MOA Arena.
Pero nagpakita naman nang pagsuporta si Queen Cat dahil tutok na tutok ito sa live stream at panay ang tweet sa kanyang opinyon habang nagagamit ang beauty contest.
Kinakailangan kasi niyang pumunta ng Bohol para sa prior commitment.
Isa sa kanyang tweet, “I wish the girls were given more difficult questions. Feeling ko kayang kaya nila. Anywho, who is your MUP2022? Exciting!” kasama ang official hashtag na #MissUniversePhilippines2022.
Comment ng isang netizen, “Tama te! Yung questions nila kayang sagutin ng 12-year-old girl. Now 24, this fashion model and singer has raised funds for various charities through benefit concerts in her country and abroad.”
Nanireplyan naman ni Cat ng, “Hoyyyy” na may tatlong laughing emojis.
Say naman ng isang netizen, “The questions were simple but substance of the answer matters. Miss Universe is looking for someone who can communicate. Congrats #Bohol.”
“I agree, but honestly, we only need a decent speaker bit a highly strong performer in pakabogan. We need to reach the placements first before going into Q&As. That’s the most important thing to have,” comment pa ng isa.
Sana man lang daw ay may tanong tungkol sa kaganapan sa bansa at tungkol sa May 9 National Election.
Say nga ng netizen, “At a time when Philippines is about to elect a new president along with the unending list of sociopolitical crisis, pageantry would have been an opportunity to mirror the lived realities of Filipinos considering the extent of national symbol we associate to it.”
May nagtanong din kay Catriona kung nasaan ang special participation niya at sinagot naman niya ng, “Actually, hindi ko rin alam.”
Say pa ng netizens, mas magaling pa raw siyang mag-host kesa kay Pia kaya sana kinuha rin siyang host.
Boring daw ang tatlong Miss U winners na hosts dahil walang interaction.
At mukha ngang may isyu kay Cat sa organizers ng MUPH at hindi raw sya favorite ni Shamcey Supsup-Lee at Jonas Gafudd.
Ang pambato ng Pasay na si Celeste Cortesi nga ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2022 na magiging representative natin para sa Miss Universe 2022 na gaganapin sa Costa Rica.
“Congratulations Celeste! Welcome to the sisterhood!!” pagbati ni Catriona, kasama ang tatlong PH flags.
(ROHN ROMULO)
-
P9-B natirang Bayanihan 2 fund, ‘di na magagamit
Tuluyan nang hindi magagamit ang umaabot sa P9 billion na pondong nakalaan sana sa pagtugon ng pamahalaan laban sa epekto ng COVID-19. Bagama’t hindi ito tuluyang masasayang, obligado naman ang gobyerno na ibalik ang naturang salapi sa national treasury. Una nang iminungkahi ng ilang opisyal na palawigin na lang sana ang […]
-
Eala pasok na sa main draws ng W80 Poltiers tournament sa France
NAKAPASOK sa main draw ng W80 Poltiers tournament sa France si Pinay tennis player Alex Eala. Ito ay matapos talunin niya ang dalawang French players sa magkasunod na sets sa qualifiers. Tinalo nito sina Diana Martynov at Astrid Cirotte sa score na 6-1, 6-2. Sa qualifying second round ay […]
-
Ginanap sa Berkshire, England, United Kingdom: LOVI, kinasal na sa long-time boyfriend na si MONTY
KINASAL na si Lovi Poe sa kanyang long-time British boyfriend na si Montgomery “Monty” Blencowe noong August 26 sa Berkshire, England, United Kingdom. Isang romantic garden ang setting ng wedding nila Lovi at Monty na ginawa sa Cliveden House, isang storied landmark built in 1666 by the second Duke of Buckingham. […]