• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Spence umatras na sa laban nila ni Pacquiao dahil sa injury sa mata

Hindi matutuloy pa ang pagharap ni Manny Pacquiao kay Errol Spence Jr.

 

Ito ay matapos na magtamo ng eye injury ang undefeated American boxer.

 

 

Ayon sa World Boxing Association, natamo ni Spence ang torn retina sa kaniyang kaliwang mata habang ito ay nasa training para sa laban sana ng dalawa sa darating na Agosto 22.

 

 

Nagdesisyon na rin ang WBA na ipalit si welterweight champion Yordenis Ugas laban kay fighting senator.

 

 

Si Ugas ay nakatakdang idepensa nito ang kaniyang titulo sa undercard ng dalawa.

 

Sinabi ni Spence na labis siyang nanghihinayang dahil hindi niya makakalaban si Pacquiao.

 

 

Sabik na aniya ito sa laban subalit nakita ng doktor ang injury sa mata kaya minarapat na isailalim ito sa operasyon.

 

 

Nadiskubre lamang ang nasabing injury sa pre-fight medical examination ng Nevada State Atlethic Commission sa Las Vegas.

 

 

Dahil dito ay umuwi na ang boksingero sa Las Vegas para sa operasyon.

Other News
  • Orihinal na mga Sang’gre, muling nagsama-sama: SUNSHINE, gumanda at bumata, habang hot pa rin si DIANA

    MULING nagsama-sama sa “It’s Showtime” stage ang orihinal na mga Sang’gre ng “Encantadia”   Noong Martes, Nob. 7, muling nagkita-kita sina Iza Calzado, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon para sumama sa team ni Karylle para sa kanilang pagtatanghal sa “Magpasikat”.   Ibinalik ng apat na Sang’gre ang mga manonood noong 2005 gamit ang kanilang phenomenal […]

  • Bawas sa physical distancing sa mga PUV taliwas sa safety policies

    IPINAHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang pagbabawas ng distansya sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan ay taliwas sa mga umiiral na safety policies.   “Lumabas sa pag-aaral ng mga health experts na ang social distancing, tamang pagsuot ng face mask at handwashing ay nakakatulong para maiwasan ang hawaan ng virus,” ani […]

  • Nagkaisa Labor Coalition, humiling sa DOLE na imbestigahan ang naganap na aksidente sa construction site sa QC

    PINAIIMBESTIGAHAN ng labor coalition na NAGKAISA sa Department of Labor and Employment ang naganap na insidente habang nasa lugar ng trabaho o worksite kabilang na ang pagkasawi ng isang manggagawa at ikinasugat ng 10 iba pa sa construction site sa Quezon City.     Ang panawagan ay ginawa ni Nagkaisa Chair Sonny Matula kasunod na […]