• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SPUTNIK V VACCINE, OKEY NA SA FDA

BINIGYAN  na ng Food and Drug Adminstration (FDA) ang Gamaleya Sputnik V vaccine ng Emeregncy Use Authorization o EUA.

 

Kinumpirma ito ni FDA Director General Eric Domingo sa virtila media forum ng Department of Health (DOH) ito ay matapos ang maingat na pagsusuri at konsiderasyon ng regulatopry at medical experts.

 

“It is  decided that all conditions for an EUA at present and that the benefit of using that vaccine outweigh the known and potential risk”, ayon kay Domingo.

 

Base  aniya sa kabuuan ng ebidensya na available sa ngayon, kasama ang datos mula sa sapat at kilalang controlled trials , reasonable aniyang paniwalaan na ang Gamaleya National Center of Epidemiology at Microbilogy Sputnik V Gam-Cov-Vac Covid 19 vaccine ay epektibo  para maiwasan ang  COVID-19.

 

Ayon pa kay Domingo, ang kilala at potensyal na benepisyo sa paggamit ng Gamaleya Sputnik V vaccine  ay para maiwasan ang COVID-19 , mas malaki kaysa sa kilala at potensyal na peligro ng nasabing bakuna hanggang sa ngayon.

 

Ang nasabing bakuna ay may efficacy rate umanong 91.6% sap ag-iwas ng COVID-19.

 

At ang efficacy rate ay “consistent” sa age group na 18 pataas base sa clinical trial Phase 3 .

 

Ang adverse events naman ng bakuna ay kahalintulad din ng ibang bakuna.

 

“So for the Gamaleya  Sputnik V vaccine , we found out all the  three criteria are present” . (GENE ADSUARA)

Other News
  • Bayanihan 2 funds, naibigay at nagamit ng mga ahensiya ng pamahalaan- Sec. Roque

    NAIBABA sa mga line agencies o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng P165 billion Bayanihan 2 law funds.   Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na nabigo ang pamahalaan na gamitin ang mahigit na P6 bilyong halaga ng Bayanihan 2 funds na napaso na nitong Hunyo […]

  • Biyaheng SoKor, pwede na ulit

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ang mga Filipino na bumiyahe patungong South Korea maliban sa buong North Gyeongsang Province, kabilang na ang Daegu City at Cheongdo County, kung saan ang virus outbreak ay concentrated.   Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ito […]

  • 1,943 traditional jeepneys balik kalsada

    Bumalik na sa kalsada ang may 1,943 na traditional jeepneys na papasada sa 17 routes sa Metro Manila na binigyan ng pahintulot  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).   Sa ilalim ng isang LTFRB memorandum circular, ang mga traditional jeepneys ay maaari ng bumalik sa kanilang operasyon kahit na walang special permits. Subalit […]