• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso

HINDI  umano dapat mangamba na maabuso ang confidential and intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno dahil dadaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Kongreso at Commission on Audit (COA).
Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na ang pagbusisi sa CIFs ay ginagarantiyahan ng batas sa pamamagitan General Appropriations Act (GAA), sa inisyatibo ng Senado at bilang bahagi ng mandato ng Commission on Audit (COA).
Sa ilalim ng GAA, sinabi ng senador na may probisyon na nag-oobliga sa mga ahensyang may CIFs na magsumite ng regular na ulat sa dalawang kapulungan ng Kongreso at sa Pangulo.
Ang mga ahensya at tanggapan na may confidential fund ay obligadong magsumite ng quarterly accomplishment reports sa Pangulo at sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Ang intelligence funds ay ire-report din ng quarterly sa tanggapan ng Pangulo.
“There will be periodic meetings of the select oversight committee to assess whether these funds are being used wisely by the agencies involved,” ani Angara.
Nauna nang naghain si Senate President Juan Miguel Zubiri ng Senate Resolution 302 para sa pagbuo ng Select Oversight Committee on Confidential and Intelligence Funds. (Daris Jose)
Other News
  • 2 alamat sa ‘Apprentice’

    TATASAHAN nina dating Mixed Martial Arts champion Georges St-Pierre ng Canada at jiu-jitsu legend US-based Brazilian Renzo Gracie ang 16 na kandidato sa Episode 2 ng The Apprentice: ONE Championship Edition.     Bantog din sa tawag na ‘GSP’ ang 39 na taong-gulang at may taas na 5-10 na si St-Pierredahil sa pagiging  isa mga […]

  • China, palalakasin ang pagkilos sa South China Sea- eksperto

    INAASAHAN na ng isang international security expert na hindi magtatagal ay mas lalong palalakasin at paiigtingin ng China ang pagkilos nito sa South China Sea.     Layon ng magiging pagkilos ng China ang makontrol ang malaking bahagi ng pinagtatalunang katubigan.     Matatandaang, kamakailan lamang ay naging matagumpay ang pinakahuling resupply mission ng Pilipinas […]

  • Maraming saksi sa mga palaro malabo

    MAY kalabuan pang maganap ngayong taon ang pagpapasok ng malaking bilang ng mga manonood sa bawat sports events saan mang panig ng mundo dahil sa patuloy na mataas ng mga nahahawa sa COVID-19 at wala pang gamot sa pandemya.   Pananaw ito ni World Health Organization (WHO) emergencies director at Irish epidemiologist Michael Ryan sa […]