• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso

HINDI  umano dapat mangamba na maabuso ang confidential and intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno dahil dadaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Kongreso at Commission on Audit (COA).
Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na ang pagbusisi sa CIFs ay ginagarantiyahan ng batas sa pamamagitan General Appropriations Act (GAA), sa inisyatibo ng Senado at bilang bahagi ng mandato ng Commission on Audit (COA).
Sa ilalim ng GAA, sinabi ng senador na may probisyon na nag-oobliga sa mga ahensyang may CIFs na magsumite ng regular na ulat sa dalawang kapulungan ng Kongreso at sa Pangulo.
Ang mga ahensya at tanggapan na may confidential fund ay obligadong magsumite ng quarterly accomplishment reports sa Pangulo at sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Ang intelligence funds ay ire-report din ng quarterly sa tanggapan ng Pangulo.
“There will be periodic meetings of the select oversight committee to assess whether these funds are being used wisely by the agencies involved,” ani Angara.
Nauna nang naghain si Senate President Juan Miguel Zubiri ng Senate Resolution 302 para sa pagbuo ng Select Oversight Committee on Confidential and Intelligence Funds. (Daris Jose)
Other News
  • Unang pagkatalo ngayong preseason, nalasap ng defending champion na Celtics mula sa Raptors

    IPINALASAP ng Toronto Raptors sa Boston Celtics ang unang pagkatalo ngayong preseason sa kabila ng comeback effort ng defending champion.     Sa unang quarter pa lamang, nagpaulan na ang Raptors ng 46 points habang 27 points lamang ang naging ganti ng Celtics.     Gayunpaman, bumangon ang Celtics sa ikalawang kawarter at nagbuhos ng […]

  • Kabilang na sa A-list celebrity endorsers ng ‘Beautederm’: JENNYLYN, walang kaarte-arte at mabait kaya puring-puri ni RHEA

    IBANG-IBA ang glow ng Beautéderm founder na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ngayon, na nagdiriwang ng 15 years sa skincare at wellness industry.         Tampok sa kanyang speech ang timeless legacy ng kanyang brand na ine-endorse ng top celebrities at influencers.         Sa nasabing selebrasyon last July 18, ipinakilala rin […]

  • Ginawang isyu ang hindi pagho-host: CATRIONA, kinumpirma na imbitado sa coronation night ng ‘2022 Miss Universe Philippines’

    KINUMPIRMA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na imbitado siya sa coronation night ng 2022 Miss Universe Philippines sa April 30.     Ginawang issue kasi ng maraming netizen ang hindi pagkakasali ni Queen Cat sa mga maghu-host ng MUP 2022 na Miss Universe winners na sina Pia Wurzbach, Iris Mittenaere at Demi-Leigh Nel-Peters.   […]