SRI para sa DepEd teachers, non-teaching staff ipalalabas sa Dec 20
- Published on December 18, 2024
- by @peoplesbalita
IPALALABAS ang Service Recognition Incentive (SRI) para sa mga public school teachers at non-teaching staff na nagkakahalaga ng P20,000 simula Disyembre 20.
Pinuri ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagkakaloob ng maximum SRI sa mga DepEd personnel.
“This is a historic moment for DepEd, as we are able to grant the highest SRI ever for our workforce. We are deeply grateful to President Marcos Jr. for his steadfast support in prioritizing the welfare of teachers and staff who serve as the backbone of the education sector,” ayon sa Kalihim.
Pinasalamatan din ni Angara ang Department of Budget and Management (DBM) para sa agarang pagtugon sa naging direktiba ni Pangulong Marcos alinsunod sa Administrative Order No. 27.
“We also thank DBM Secretary Amenah Pangandaman for working with us to provide this incentive to our personnel,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng DBM Circular Letter at isang DepEd Memorandum on Fiscal Year 2024 SRI, ang SRI ay ida-download sa mga regional office sa Disyembre 20 at pagkatapos ay ipamamahagi sa DepEd teaching at non-teaching personnel.
“It is a testament to how much we value the dedication and sacrifices of our education front-liners, especially as they continue to ensure learning excellence amidst all challenges,” ang sinabi ni Angara.
Sa kabuuan, may 1,011,800 DepEd teaching at non-teaching personnel sa buong bansa ang makikinabang mula sa insentibo. (Daris Jose)
-
Remulla itinangging pinoproteksyunan si Duterte sa ICC probe vs drug war
TAHASANG itinanggi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinoproteksyunan niya sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa isang panayam, binuweltahan ni Remulla ang ICC na siyang dapat magbigay sa kanila ng ebidensya na makakatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng DOJ sa mga naganap na pagpatay kaugnay ng […]
-
BOOSTER SHOT, MAY GO SIGNAL NA
NAGBIGAY na ng go signal ang Department of Health para sa booster at karagdagang dose ng COVID-19 vaccines para sa healthcare workers, mga senior citizens at para sa eligible priority groups sa 2022. Ang booster shots at karagdagang doses ng bakuna ay kasunod ng rekomendasyon noong Oct. 13 ng Health Technology Assessment Unit […]
-
DBM, aprubado ang pagbili ng DOH ng 173 medical vehicles
PINAGKALOOBAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang Department of Health (DOH) ng P454 milyon para sa pagbili ng 173 medical vehicles. Sa katunayan, inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong Oktubre 17 ang pagpapalabas ng Authority to Purchase Motor Vehicle (APMV) para sa DOH. Sinabi ng DBM na pinahihintulutan ng APMV […]