SSS, bukas na sa aplikasyon ng calamity loan
- Published on June 17, 2024
- by @peoplesbalita
BINUKSAN na ng Social Security System (SSS) ang pintuan upang tumanggap ng aplikasyon ng calamity loan para sa mga miyembro nito na nakatira at nagtatrabaho sa Taiwan na naapektuhan ng nagdaang 7.2 magnitude na lindol sa nasabing bansa noong Abril 2024.
Ayon sa SSS, ang naturang loan ay bukas sa mga SSS members sa Taiwan hanggang Agosto 20, 2024.
Ayon kay SSS president at CEO Rolando Macasaet ang loan applications ay maaaring isumite sa My.SSS account.
“However, members must first visit the SSS Taiwan Foreign Office in Neihu District, Taipei City, to secure a Calamity Loan Reference Number (CLRN) needed in their loan applications. The CLRN is a unique 12-alphanumeric identifier provided to SSS members and is among the requirements for the calamity loan,” sabi ni Macasaet.
Sa ilalim ng programa, ang mga miyembro ay maaaring makakuha ng loan equivalent sa isang buwang salary credit o hanggang P20,000.
Ang mga requirements ng calamity loan ay dapat nakaregister sa My.SSS account sa www.sss.gov.ph at may halos 36 monthly contributions, OFW SSS member at nakatira sa Taiwan nang maganap ang lindol at walang past due na loan sa SSS.
-
Ginawan ng isyu ang pagbabalik-‘Pinas: KRIS, imposibleng papasukin ang pulitika dahil sa kalagayan
MAY gumawa na naman ng isyu kaugnay sa pagbabalik ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa Pilipinas. Ang sabi kaya raw umuwi ng Pilipinas si Kris ay may kaugnayan daw sa nalalapit na 2025 midterm elections. Sa talk show na “Showbiz Now Na” ay may binanggit si Nay Cristy Fermin […]
-
Top Ten cities sa NCR kinilala ng isang NGO
BINIGYANG pagkilala ng isang non- governmental organization ang top ten cities sa National Capital Region pagdating sa usapin ng masinop na pananalapi. Ayon kay Jose Esgaña, tagapangulo ng grupong CPAS-LEADGROUP Inc., napili ang sampung nangungunang lungsod batay sa pagsusuri na nakabase naman sa mga datos na nakalathala sa website ng Commission on Audit. […]
-
NGCP, binawi na ang red alert sa Luzon power grid; yellow alert , nananatiling nakataas
BINAWI na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang red alert status na inilagay nito sa Luzon power grid , araw ng Sabado. Ang pagbawi sa red alert ay nangyari ng alas- 5:30 ng kamakalawa. Sa isang kalatas na ipinalabas ng Department of Energy (DOE), itinaas ng NGCP ang […]