• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS may condonation program sa mga employer

NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga emplo­yers na bigong mag-remit ng kontribusyon ng kanilang manggagawa sa nagdaang buwan at taon na samantalahin ang contribution penalty condonation programs para maayos ang kanilang obligasyon.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang mga delinquent employers na ayusin ang kanilang  contribution delinquencies sa pamamagitan ng Contribution Penalty Condonation, Delinquency Ma­nagement and Restructuring Program (CPCoDe MRP) para sa business employers at Contribution Penalty Condonation and Restructuring Program (CPCR-P) para sa  household employers.

 

 

Sa ilalim ng contribution penalty condonation programs, aasistihan ng SSS ang business at household employers na ayusin ang kanilang delinquencies sa pamamagitan ng pagbayad ng unremitted contributions habang sumasailalim sa condonation ng penalties.

 

 

Ang  CPCoDe MRP ay para sa lahat ng  emplo­yers na classified bilang  single proprietors, corporations, partnerships, coo­peratives, at  associations na may delinquencies sa  contribution payments, kasama na ang penalties simula nang kanilang  actual date of operation.

 

 

Sinabi ni SSS Account Management Group Concurrent Acting Head Neil F. Hernaez na sa ilalim ng  programa, ang  delinquent business employers ay babayaran ang  unremitted SS contributions plus legal interest na 6% per annum sa panahon na ang  employer ay nagpakita ng katunayan na ang kanilang negosyo ay nalugi o walang kita.

Other News
  • Amendments sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA),” Cooperative Banking Act, aprubado

    MATAPOS  ang diskusyon ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ay inaprubahan nito ang karagdagang amendments sa revised House Bill 6398, o panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA).”     Ang panukala ay una nang inaprubahan noong Martes ng komite kung saan magkakaroon ng independent fund na […]

  • Bilang mga nasasawi dahil sa kilos protesta sa Sri Lanka posibleng tumaas pa

    POSIBLENG  tumaas pa ang bilang ng nasasawi dahil sa patuloy na kilos protesta sa Sri Lanka.     Inatasan kasi ni outgoing Sri Lankan Prime Minister Mahinda Rajapaksa ang mga kapulisan na barilin ang sinumang magtatangka na magsagawa ng kilos protesta.     Nailigtas rin ng mga otoridad si Rajapaksa ng tinangka ng mga protesters […]

  • Nakakuha na naman ng bagong achievements: TAYLOR SWIFT, isa sa People’s ‘Most Intriguing People of the Year’ at Forbes ‘Top 5 Most Powerful Women’

    ISA nang ganap na abogado ang OPM singer-songwriter na si Jimmy Bondoc.      Kasama si Jimmy sa 3,812 na pumasa sa 2023 Bar Examinations na nilabas ng Supreme Court noong nakaraang Martes, December 6.     Taong 2017 noong magsimula si Jimmy ng kanyang pag-aaral ng law sa San Beda University. Tinuloy niya ito noong […]